Expect The Unexpected
Nagpunta siya sa bahay ng kanyang mga magulang. Doon muna siya tumira. "Ma. Hindi ko alam ang gagawin. Iniwan ko si Robert. Pinalayas naman ako ni Brandon. Nalilito ako." Sabi ni Ella habang umiiyak sa kanyang nanay. "Anak. Okay lang yan. Magusap ulit kayo ni Brandon." Sabi ng nanay ni Ella habang yakap yakap niya ito. "Ma. Sinubukan ko naman eh pero hindi niya ako pinakinggan. Siya nga yung pinili ko diba? Pero hindi niya ako naintindihan kasi hindi niya ako pinakinggan." Lalong lumakas ang iyak ni Ella. Yakap yakap pa rin siya ng nanay niya. "Hindi na tuloy ang kasal Ma." Sabi ni Ella. "Hayaan mo na yun. Basta ang gawin mo ngayon ay magusap kayo ni Brandon." "Kahit na kausapin ko siya, hindi pa rin siya maniniwala sa akin." Sabi ni Ella. Hindi na niya mapigilan ang kanyang kalungkutan. Nabigla siya ng may naramdaman siya. Nakaramdam siya ng hilo. Tumayo siya at pumunta sa banyo. Nagsuka siya. "Shit! Buntis ako." Sabi ni Ella sa kanyang sarili. "Ella. Okay ka lang ba?" Sabi ng nanay niya. Lumabas na siya ng banyo. "Kamusta?" Sabi ng nanay niya. Lumuhod si Ella at hinawakan ang kamay ng nanay niya. Umiiyak siya. "Ma sorry. Buntis ako. Mahal ko kasi si Robert eh. Sorry." Nagiba ang ekspresyon ng mukha ng kanyang nanay. Napalitan ito ng galit at pagkainis. "Buntis ka? Ella naman. Hindi kami nagkulang sa iyo." Sinampal niya si Ella. Tuloy pa rin si Ella sa pagso sorry sa kanyang nanay. Hindi siya pinapakinggan nito. "Lumayas ka. Lumayas ka. Panindigan mo yan." Sabi ni nanay ni Ella. Galit na galit ito.
Inayos na ni Ella ang kanyang gamit. Hindi pa rin niya alam kung saan siya pupunta. Pagkatapos nun, lumayas na siya sa bahay ng kanyang nanay.
BINABASA MO ANG
Feelings We Don't Know
RomanceWill you hold on to your past? Even if it can break you or fix you? Present day, nameet ulit ni Ella ang past niya at the most unexpected time and place. Ito na ba ang right time para sa kanilang dalawa? Or is fate turning its magic again para pagla...