The Return Of My Boy
"Brandon." Naglayo ang mukha nilang dalawa nung nakita nila si Brandon. "Ella. What's this? Tell me!" Galit na sabi ni Brandon. "Brandon. Let me explain." Sabi ni Ella. Kinakabahan ito. "Dun ka sa bahay natin mag explain." Galit si Brandon. Hinawakan na ni Brandon ang kamay ni Ella para ilayo ito kay Robert. Nang magkatabi si Ella at Brandon, sinuntok ni Brandon si Robert. "Layuan mo na si Ella." Sabi ni Brandon kay Robert. Hindi na gumanti ng suntok si Robert. Naiwan siya doon na luhaan at malungkot.
"Brandon. Bakit ngayon ka dumating? Akala ko ba sa Saturday ka pa dadating?" Sabi ni Ella. Sila ngayon ay nasa bahay nilang dalawa. "Bakit Ella? Nagulat ka ba dahil napaaga ang dating ko o nagulat ka dahil nakita ko kayo ng lalaking yon na naghahalikan?" Galit na galit na sabi ni Brandon. Nagdadabog na ito. "Kasi may mga pla-." Sabi ni Ella pero naputol ang kanyang sasabihin ng magsalita ulit si Brandon. "Wag na. Ayoko na. Huwag ka ng mag explain. Huwag na nating ituloy ang kasal." Sabi ni Brandon habang inaalis ang engagement ring sa kamay nito. "Brandon. Please. Give me a second chance. Kaya ko nahalikan si Robert nun ka-." Naputol ulit ang sasabihin ni Ella. Nakaluhod na siya kay Brandon. Umiiyak siya. "Enough!" Sigaw ni Brandon. "Leave my house." The wedding is over." Sabi ni Brandon. Umalis si Ella doon sa bahay nila ni Brandon ng umiiyak at malungkot.
Habang siya ay naglalakad palayo, may naramdaman siyang sakit sa kanyang tiyan. "Aray!" Sabi ni Ella habang hawak ang kanyang tiyan.
May nakita si Ella na dugo sa kanyang paa at sa lupa. Nagulat siya sa kanyang nakita. Sana mali ang iniisip niya.
BINABASA MO ANG
Feelings We Don't Know
RomanceWill you hold on to your past? Even if it can break you or fix you? Present day, nameet ulit ni Ella ang past niya at the most unexpected time and place. Ito na ba ang right time para sa kanilang dalawa? Or is fate turning its magic again para pagla...