Amusement Park
Thirteen days na lang ang natitira para tapusin ang kanilang mga plano. May apat pa silang plano na hindi nagagawa. Ang pagpunta sa isang amusement park, ang pagsimba sa isang simbahan na hindi pa nila napupuntahan, gusto rin nilang masubukan ang ice skating at ang pagsakay sa isang hot air balloon.
Kinausap ni Ella si Robert habang nakain ng agahan. Sinabi ni Ella na sa isang amusement park daw sila pupunta. Kaya naman, pagkatapos kumain ni Robert ay hindi na siya nagsayang ng oras sa paghahanda ng mga gamit na dadalhin.
Sa Enchanted Kingdom sila nagpunta. Ang unang sinakyan ng dalawa ay ang Anchors Away. Pagkatapos nila doon ay sinakyan naman nila ang Ekstreme. Ayaw sumakay doon ni Ella pero pinilit lang siya ni Robert. Hindi na kasi niya mahindian si Robert lalo na at parang mahal na niya ito. Sumakay na nga sila sa Ekstreme.
"Robert. Ahhh. Natatakot na ako. Baka mahulog ako." Sigaw ni Ella sa hangin habang papataas na sila. Katabi niya si Robert kaya naman napatingin ito sa kanya. "Ella. Huwag kang mag- alala. Kung sakaling mahulog ka, handang handa naman ako para saluhin ka." Biglang kinilig si Ella sa sinabi ni Robert. Matagal silang nagtitigan hanggang sa bigla ng bumaba ang sinasakyan nila. Pagbaba nun, napatawa na lang sila sa isa't isa.
Tanghaling tapat na. Gutom na silang dalawa kaya naman kumain muna sila sa kainan malapit sa Space Shuttle. "Unti- unti na nating nagagawa ang ating mga plano. Malapit na nga nating matapos eh." Sabi ni Robert habang hawak ang kamay ni Ella. "Oo nga eh. Unti- unti na rin akong napapamahal sa iyo." Bulong ni Ella sa sarili. "Anong sabi mo?" Sabi ni Robert sa kanya. "Ha? Ah wala. Kumain ka na sabi ko." Napangiti na lang si Robert sa sinabi ni Ella.
Pagkatapos nilang kumain, nagpunta sila sa Rialto para manuod ng palabas doon. Habang sila ay nanunuod, bigla silang nagulat at napasigaw. Napahawak ang dalawa nilang kamay. Nagkatitigan sila. Pagkatapos nun, natapos na ang palabas at lumabas na sila sa Rialto.
Sunod nilang pinuntahan ang Jungle Log Jam. Request iyon ni Ella kay Robert dahil pinagbigyan naman daw niya ito sa Ekstreme. At isa pa, hindi pa dito nakakasakay si Ella kasi bata pa lamang siya noong huling punta niya dito sa Enchanted Kingdom at hindi pa siya pwedeng sumakay sa mga ganitong klaseng ride.
Sa Jungle Log Jam, ang nasa unahan ay si Ella habang nasa likod naman si Robert. Nang nasa pinakatuktok na sila at malapit ng malaglag. Napayakap si Robert kay Ella. Pagkatapos nun, nalaglag na ang sinasakyan nila pababa at nabasa na sila ng tuluyan. Sa huli, bumaba sila ng may mga ngiti sa labi.
Sa Space Shuttle, doon sila pumwesto sa pinaka likod. Gusto kasi nila makita ang view ng park. Hindi sila makapaniwala na sobrang bilis ng ride na ito. Pagkatapos nilang sumakay doon, hilong hilo na sila at tila pagod na pagod.
Gusto ulit nilang mabasa kaya naman sumakay sila sa Rio Grande. May mga iba silang kasama nung sumakay sila doon. Dadalawa lang kasi sila at kailangan naman ng sakayan ng walong tao. Hindi nila nasolo ang moment nilang dalawa pero na enjoy naman nila ang pagsakay dito.
Naglaro silang dalawa sa mga fun booths. Si Robert ay naglaro ng basketball. Nung maka shoot siya ng three points, biglang sumigaw si Ella at napayakap dito. Tuwang tuwa naman si Robert. Nung maubos ang oras, malaking puntos ang naipon ni Robert at nakatanggap siya ng malaking teddy bear. Binigay niya ito kay Ella.
Naisipan nilang magpatatoo. Nagpunta sila sa isang booth kung saan may mga nagpapa tatoo. Ang pinatatoo ni Robert sa kanyang kamay ay pangalan ni Ella habang ang pinatatoo naman ni Ella ay ang pangalan ni Robert.
Malapit ang booth sa Swan Lake kaya naman doon na nila naisipang sumakay. Pagod na pagod na si Robert at Ella sa pagpapa andar ng swan. "Robert. Pagod na ako. Gusto ko ng bumaba." Sabi ni Ella habang pawis na pawis. "Pagod na rin ako. Gusto ko na ring bumaba. Pero para sa iyo, hindi ako susuko dahil alam kong nasa tabi kita." Napangiti si Ella sa sinabi ni Robert. "Asus. Bola." Sabi ni Ella dito.
Pagkatapos nun ay pumunta sila sa Horror Booth. May mga iba silang kasama nung pumasok sila doon. Takot na takot si Ella sa mga nanggugulat na mga multo sa kanila. Sa buong paglalakbay nila sa Horror Booth ay nakayakap si Ella sa katawan ni Robert.
Maggagabi na, pumunta na sila sa open area para manuod ng fireworks. Bumili sila ng hotdog para may makain sila. Gutom na gutom si Ella kaya naman nung makabili si Robert ng hotdog ay agad na niya itong kinuha at kinain.
Ngumunguso si Robert kay Ella dahil may ketsup ang mukha nito. Akala ni Ella, hahalikan siya ni Robert pero nag abot si Robert ng tissue kaya naman alam na niya ang sinasabi nito. Pinunasan ni Ella ang paligid ng bibig niya at nagtawanan na lamang ang mga ito hanggang sa sumabog na sa kalawakan ang mga fireworks.
Napakaganda ng fireworks. Manghang mangha silang dalawa sa ganda nito. Habang nanunuod si Ella sa fireworks, bigla itong napaiyak. "Mahal ko na talaga si Robert. Pero hindi ko kayang iwan si Brandon. Pinagsisisihan ko na ang lahat kung bakit mas pinili ko ngayon si Brandon. Kasi kahit na malapit na kaming ikasal ni Brandon, si Robert pa rin ang tinitibok ng puso ko. Ganun ko siya kamahal." Sabi ni Ella sa kanyang isip. "Tahan na. Nandito lang ako sa tabi mo." Sabi ni Robert kay Ella at niyakap niya ito. Sa huli, isang napakalakas at napakalaking fireworks ang sumabog sa kalawakan kaya naman nagulat si Ella dito. Napayakap tuloy siya kay Robert.
Pagkatapos ng fireworks, sumakay na sila sa Wheel Of Fate. Ang huli nilang sasakyan bago sila umuwi. Nung makasakay na sila, nakapikit si Ella. Takot na takot kasi siya. Hinawakan ni Robert ang dalawang kamay ni Ella at may sinabi. "Imulat mo yang mga mata mo. Huwag kang matakot. Tumingin ka lang sa akin." Nagmulat ang mga mata ni Ella at kay Robert lang talaga siya tumingin. "Brandon, akin na lang si Ella please. Mahl na mahal ko siya. Pangako, hindi ko siya sasaktan." Sigaw ni Robert sa kalawakan. Napaiyak si Ella sa sinabi ni Robert. Nagsisisi tuloy siya sa lahat. Dapat hindi na niya pinili si Brandon. Dapat hindi na niya nakilala si Brandon. Dapat hindi na niya minahal si Brandon. Sa isip- isip ni Ella. Pagkatapos ng limang ikot, bumaba na silang dalawa.
"Thank you Robert." Sabi ni Ella. "Sobrang saya ko." Pahabol nito. "Ako rin. Masaya ako dahil nakasama kita. Masaya ako dahil napasaya kita at masaya ako dahil pinasaya mo ako. Hindi ko ito makakalimutan." Sabi ni Robert. "Salamat din dito sa teddy bear." Sabi ni Ella hawak hawak ang teddy bear na bigay sa kanya ni Robert. "Wala yun." Sabi naman ni Robert.
Yayakapin ni Ella si Robert kaso sa tuwing kakanan si Ella, kakanan naman si Robert. Kapag naman kakaliwa si Robert, kakaliwa din si Ella. Maglalapit na sila hanggang sa napahalik sila. Hindi alam ni Ella ang gagawin. Naghahalikan sila ni Robert. After what felt like eternity, naglayo na ang kanilang mga labi. Gulat na gulat sila sa nangyari. Nagngitian na lang sila at sumakay na sa kotse para umuwi. Sa huli, nakauwi sila ng mapayapa at maayos.
BINABASA MO ANG
Feelings We Don't Know
RomanceWill you hold on to your past? Even if it can break you or fix you? Present day, nameet ulit ni Ella ang past niya at the most unexpected time and place. Ito na ba ang right time para sa kanilang dalawa? Or is fate turning its magic again para pagla...