Papalakad na si Yannie sa altar at hinihintay na siya doon ni Maxwell. Nasa tabi naman niya ang kanyang mga magulang na sina Robert at Ella. Si Robert ay nakawheel chair.
Nang makarating sila sa altar, nagsimula na ang kasal. Wala ngayon sina Marinella at Patrick dahil nasa ospital sila. Nakakaramdam na ng sakit ng tiyan si Marinella.
Naging maayos ang daloy ng kasal. Masaya g masaya si Maxwell habang si Yannie naman ay seryosong seryoso. Ginanap ang reception sa isang hotel doon. Pili lang ang mga taong dumating.
Sa reception naman ay kumain sila ng mga masasarap na pagkain. Masayang masaya si Robert dahil nakita niya na ikasal ang kanyang bunsong anak.
Nagpicturan sila doon. At the age of 80, masaya na si Robert sa kanyang buhay. Ang dami na niyng napagdaanan. Kasama niya doon ang taong mahal na mahal niya na si Ella.
Nagkaroon sila ng dalawang anak. Malapit na rin sila magkaroon ng pangalawang apo. Lumapit si Yannie sa kanyang ama. "Dad, bukas ay ipapagamot ka na namin. Gagaling ka na." "Oo nga, be strong mahal." Sabi naman ni Ella.
Marami pa silang ginawa sa reception. Nagsayawan pa sila doon. Kasama ang mga kaibigan at kamag-anak ni Maxwell.
Pagkatapos ng kasal ay binuksan nila ang kanilang mga regalo. Nakatanggap sila ng mga plato, baso, cabinet, plantsa at ibat iba pang gamit pambahay.
Ang regalo ni Dwayne at Janice kina Maxwell at Yannie ay ticket papuntang Hong Kong. Habang ang regalo naman nina Robert at Ella ay isang house and lot.
Pinabigay din ni Marinella at Patrick ang kanilang regalo na TV sa bagong kasal. Kakaanak lang nito at pinangalanan nila itong Paul Bryan Angelo.
Wala ng magawa sina Yannie at Maxwell kaya napagdesisyunan na lang nila na pagusapan kung saan sila magha honeymoon. Sa HongKong na lang daw.
Si Ella naman ay hindi na mapakali dahil gagamutin na si Robert bukas. Umalis na sila ng reception at nagpahinga na.
BINABASA MO ANG
Feelings We Don't Know
RomanceWill you hold on to your past? Even if it can break you or fix you? Present day, nameet ulit ni Ella ang past niya at the most unexpected time and place. Ito na ba ang right time para sa kanilang dalawa? Or is fate turning its magic again para pagla...