The Crown Of The Beauty Queen
Sumali si Ella sa Ms. Spain 2018 at nanalo ito. Ngayon, kasali na siya sa Ms. Universe 2018. Ang number one fan niya ay si Dwayne. Bestfriends na ulit sila at wala ng balak si Dwayne na ligawan ulit si Ella.
Nasa USA sila dahil gaganapin na ang Ms. Universe 2018. Naghanda na si Ella para sa kanyang national costume. Rumampa ito at nagsigawan ang buong tao. Pasok siya sa Top 15 kaya naman kasali siya sa Swimsuit Competition.
Nabanggit din ang kanyang pangalan sa Top 9 kaya nakasali rin siya sa Long Gown Competition. Tinawag na ang Top 6 at siya ang huling natawag. Ang nakasali sa Top 6 ay Spain, USA, Brazil, Philippines, Kenya at Australia.
Question and Answer Portion na. Si Ella ang pangapat na tinanong at ang judge na nagtanong sa kanya ay ang ama ni Ariane. Si Wilfred Madrigal. Kilalang business man sa USA. Nag evil smile si Ella dito. Ang tanong ay sinabi na ng judge. " Are you willing to marry the one you don't love for business?" Ang sagot ni Ella ay dapat hindi niya ito ibigin dahil kung mahal mo ang tao, hahanap at hahanap ka ng paraan para matigil ang arranged marriage. Nagsipalakpakan ang tao sa kanyang sagot.
Sinabi na ang Top 3 at siya ang huling natawag. May last question pa para sa Top 3. "Miss Universe Crown or True Love." Sumagot si Ella ng English. Sinagot niya ay True Love dahil ito daw ay ang Miss Universe Crown. Sa huli, siya ang nanalo sa pageant.
Bago makaalis ang eroplano ng mga judge, pinasabog ito ni Ella. Ang nakasakay doon ay ang tatay at nanay ni Ariane. Namatay ang mga magulang ni Ariane. Pinasabog ito ni Ella habang iniinterview siya bilang bagong Ms. Universe.
Simula na ng paghihiganti ni Ella.Babalik siya ng Pilipinas dahil doon gaganapin ang susunod na Ms. Universe pageant. Ella will be back with her wild revenge.
BINABASA MO ANG
Feelings We Don't Know
RomanceWill you hold on to your past? Even if it can break you or fix you? Present day, nameet ulit ni Ella ang past niya at the most unexpected time and place. Ito na ba ang right time para sa kanilang dalawa? Or is fate turning its magic again para pagla...