Kabanata 14

6 2 0
                                    

My High School Bestfriend

Naging madali ang unang buwan ni Ella sa kanyang bagong tirahan, naging maayos din siya sa kanyang bagong trabaho. Simula ng lumayas siya sa kanila, umalis na rin siya sa kanyang trabaho. Hindi niya kayang makita si Robert.

Doon na siya nagtatrabaho sa isang fast food chain malapit sa isang university. Mababait ang mga tao doon kaya naman naging madali rin ang kanyang pagbubuntis.

Nagpapa check up din siya every two weeks para ma monitor din niya ang kalusugan ng kanyang anak. Kumukuha siya sa sweldo niya ng pera para sa pagpapacheck up. Nagbago na talaga ang buhay ni Ella. Pero bakit parang may kulang?

Isang araw habang siya ay nagtatrabaho, may isang costumer na tingin ng tingin sa kanya. Nang lalapit na si Ella dito para dalhan ng pagkain, biglang nagsalita ang lalaki. "Ella." Sabi nung lalaki. Ngumiti si Ella dun sa lalaki. "Ako si Dwayne. Dwayne Cruz, rememeber? You're high school bestfriend?" Sabi nung lalaki. Nagulat si Ella. Hindi kasi niya namukhaan agad si Dwayne."Grabe. Ikaw pala yan. Lalo kang gumwapo." Sabi ni Ella. "Sus. Maliit na bagay." "Grabe. Ang hangin." Sagot ni Ella. Hinintay ni Dwayne na matapos ang trabaho ni Ella para makapag kwentuhan sila.

"So, kamusta ka na?" Sabi ni Ella. "Ayos lang. Eto, isang illustrator na sa isang publishing company." "Wow. Good for you." Sabi ni Ella. "Eh ikaw. Kamusta na kayo ni Robert?" Oops! Hindi alam ni Dwayne na hindi na nagkikita si Ella at Robert. Ang huli kasi niyang balita sa dalawa ay nagsasama na daw ito. Pero mali siya, hindi na ulit nagkikita ang dalawa. I guess, history repeat itself. "Hindi na kami nagkikita." Sabi ni Ella habang nakatingin sa baba. Tinanong ni Dwayne kung bakit at ang tangi lang nasabi ni Ella kay Dwayne ay mahabang kwento. "Tulungan mo ako Dwayne. Buntis ako. Si Robert ang ama." Nabigla si Dwayne pero nakaramdam din siya ng awa dito. Sinabi niya na tutulungan niya si Ella sa pagpapacheck up at sa pagpapagamot. Tinanong ni Dwayne kung alam ba ito ni Robert. "Hindi niya alam. Sasabihin ko na lang sa kanya kapag handa na ako." Sabi ni Ella. Nirespeto naman ni Dwayne ang sagot ni Ella.

Feelings We Don't KnowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon