Extended Edition 3

2 0 0
                                    

Nakasakay na si Robert sa ambulansya. Kasama niya ngayon sina Yannie, Ella at Dwayne. Gagamutin na siya. Sana ay gumaling na siya.

Pagkarating nila ng ospital ay nakita nila doon si Patrick. Doon din ang ospital kung saan nanganak si Marinella. Pinuntahan muna ni Yannie si Marinella. Gusto kasi niyang makita ang kanyang bagong pamangkin.

Si Robert naman ay papasok na sa operating room. Iyak na ng iyak si Ella. Lagi siyang nagdadasal at si Dwayne ang nasa tabi niya.

"Sana gumaling siya." Sabi ni Ella kay Dwayne habang nasa chapel sila. Ginagamot na ngayon si Robert. "Lagi mong tatandaan na gagaling siya." Sabi ni Dwayne. Pagkokomfort kay Ella.

Naghintay sila doon habang hindi pa natatapos ang operasyon kay Robert. Hindi na makakain si Ella dahil sa kahihintay. Iniwan muna siya ni Dwayne at pumuntang canteen.

Bumalik na si Yannie kasama si Patrick. Gusto kasi bisitahin ni Patrick ang kanyang mother in law. "Tita, kamusta na po si Tito Robert?" Sabi ni Patrick kay Ella. "Nasa operating room na siya, maghintay na lang tayo." Sabi naman ni Ella.

Dumating na rin si Dwayne at may dala siyang noodles. Binigay niya ito kay Ella. "Salamat." Sagot ni Ella. After nilang kumain, binisita nila si Marinella. "Ma, kamusta na si Daddy?" Sabi ni Marinella pagkakita niya kay Ella.

"Inooperahan at ginagamot pa rin siya." Sabi nito. Nakita rin nila ang bagong anak ni Marinella at Patrick. Bumalik na agad sila sa waiting area ng operating room.

Nagpakita na ang doctor sa kanila na nagopera at nanggamot kay Robert. Lumapit na agad si Ella dito at tinanong kung kamusta na ang asawa niya. "Doc, how's my husband?" Sabi ni Ella.

"He's now okay. You can now visit him at Room 287. He's still sleeping and resting." Sabi ng doctor. Uniyak si Ella sa nalaman niya. Thank you Lord at magaling na ang asawa niya.

Feelings We Don't KnowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon