Wings Of Love
Papunta na si Ella at Dwayne ng Malaysia. Nasa airport na sila ngayon at dala na nila ang kanilang mga gamit. Tatlong araw sila sa Malaysia.
Nung tinawag na ang kanilang flight, tumayo na sila at pumunta na sa kanilang eroplano. Magkatabi silang nakaupo doon. Si Ella sa may bintana at si Dwayne naman ay sa kaliwa nito. Tinignan ni Dwayne si Ella. Parang malalim ang iniisip ng babae.
Malalim ang iniisip ni Ella. Yun ba ay kung mahal pa ba niya si Robert o hindi na. Pero bakit hindi ito nagpapakita sa kanya?
After three hours, nakarating na sila sa Malaysia. Kinuha na nila ang mga gamit nila at bumaba na ng eroplano. Maghahapon na rin sila nung dumating dito.
Tatlong oras ang biyahe kaya naman naghanap muna sila ng hotel na matutuluyan sa pag- stay nila doon. Naka ilang hanap sila ng hotel, halos lahat kasi ng hotel sa Malaysia ay puno dahil summer dito ngayon.
Nang makahanap sila ng hotel, inayos na nila ang kanilang mga gamit at nagpahinga muna. Tumulog muna sila ng isang oras.
Pagkagising nila, umalis sila ng hotel at pumunta sa isang kainan malapit doon for dinner.
Nagorder sila ng mga masasarap na pagkain doon at yung mga hindi pa nila natitikman. Tila masasarap ang mga pagkain na kinain nila doon.
Bago sila matapos kumain, may inilabas si Dwayne sa kanyang bulsa. Binigyan niya si Ella ng isang personalized na relo. "Dwayne. Para saan 'to?" Sabi ni Ella. "Wala lang. Gusto lang kitang bigyan ng relo. Masaya kasi ako lagi kapag kasama kita." Napangiti si Ella sa sinabi ni Dwayne. Sinuot ni Ella yung relo at bagay na bagay ito sa kanya. Andami ng binibigay ni Dwayne kay Ella. Ano kaya ang ibig sabihin nito?
BINABASA MO ANG
Feelings We Don't Know
RomanceWill you hold on to your past? Even if it can break you or fix you? Present day, nameet ulit ni Ella ang past niya at the most unexpected time and place. Ito na ba ang right time para sa kanilang dalawa? Or is fate turning its magic again para pagla...