The Tatoo
Nasa kwarto si Ella ngayon at si Robert. Si Ella ay nakaharap sa kaliwa habang si Robert naman ay nakaharap sa kanan. Hindi pa sila tulog. May iniisip pa silang dalawa. Pero ang alam ni Ella, tulog na si Robert. Ang alam naman ni Robert ay tulog si Ella.
Unti- unting gumalaw si Ella hanggang sa napatingin na siya kay Robert. Biglang napamulat ang kanyang mata, pagmulat niya nakatingin na rin si Robert sa kanya. Nakangiti sa kanya. Nagulat tuloy si Ella kaya naman nahulog siya sa kama.
Agad na bumangon si Robert para tulungan si Ella. Tinanong niya kung ano ang masakit sa katawan ni Ella. Kumuha si Robert ng first aid kit at ginamot ang likod ni Ella. Nakita niya ang likod ni Ella.
"Pinaalis mo na pala yung pangalan ko na pinatatoo mo diyan sa likod mo." Sabi ni Robert habang nakatingin sa likod ni Ella. "Oo. Pinaalis ko na siya." Sagot ni Ella.
Nang matapos ang paggagamot ni Robert kay Ella, natulog na ulit silang dalawa.
BINABASA MO ANG
Feelings We Don't Know
RomanceWill you hold on to your past? Even if it can break you or fix you? Present day, nameet ulit ni Ella ang past niya at the most unexpected time and place. Ito na ba ang right time para sa kanilang dalawa? Or is fate turning its magic again para pagla...