The Truth Will Not Be A Secret
After one year, nakabalik na si Ella at Dwayne sa Pilipinas. Alam ni Dwayne ang plano ni Ella. Pagkatapos ng pageant, pupunta na siya kay Ariane.
Ms. Universe 2019 na. Ginanap ito sa Philippine Arena. Ang nanalo ay ang Sweden. Pagkatapos ng pageant, pumunta si Ella sa bahay ni Ariane. Wala doon si Robert dahil may trabaho. Ang nandoon lang ay ang anak ni Ariane na si Patrick at ang anak niya na si Marinella.
Nagharap ang dalawa. Hinagisan ni Ella si Ariane ng baso. Kinuha naman ni Dwayne si Patrick at Marinella. Umalis na sina Dwayne.
"Gusto mo bang sabihin ko kay Robert na hindi niya talaga totoong anak si Patrick. Ang ama kasi ni Patrick ay si Brandon." Sabi ni Ella kay Ariane. Kinabahan si Ariane. Sinabi rin ni Ella na siya ang dahilan kung bakit namatay ang mga magulang ni Ariane.
Sumigaw si Ariane at galit na galit siya kay Ella. Naglaban silang dalawa. May sinabi rin si Ariane kau Ariane. "Hindi ako mamamatay nun. Gumawa lang ang mga magulang ko ng paraan para mapasa akin si Robert. Huh. At nakuha ko nga siya." Sabi ni Ariane. Pumunta si Ella sa kusina para kumuha ng kutsilyo. Sinaksak niya si Ariane. "Hawak ko si Patrick. Kapag hindi ka tumigil. Papatayin ko siya." Sabi ni Ella.
Talagang naghihiganti na talaga si Ella kay Ariane. Dumating si Robert at nakita ang dalawa. Lumapit si Ella kay Robert at may sinabi. "Robert. Hindi mo totoong ana-." Hindi na natuloy ni Ella ang kanyang sasabihin dahil nasaksak ni Ariane ang tabi ng kanyang bibig. Napahiga si Ella sa sahig.
"Robert. Siya ang dahilan kung bakit namatay ang daddy at mommy ko. Hayop siya. Naghihiganti siya sa atin." Sabi ni Ariane. "Tama na Ariane. Alam ko na ang lahat. Nagpanggap ka lang na mamamatay nun. Sinungaling ka." Sabi ni Robert.
Tumayo si Ella at kinuha niya ang kanyang baril sa likod niya. Binaril niya si Robert at Ariane at umalis na doon. Hindi pa tapos ang paghihiganti niya kina Robert at Ariane.
BINABASA MO ANG
Feelings We Don't Know
RomanceWill you hold on to your past? Even if it can break you or fix you? Present day, nameet ulit ni Ella ang past niya at the most unexpected time and place. Ito na ba ang right time para sa kanilang dalawa? Or is fate turning its magic again para pagla...