Kabanata 24

8 2 0
                                    

The Call

Kinabukasan, may company outing sina Robert. Pupunta sila ngayon sa isang resort sa Laguna. Nang makapunta sila doon, nagswimming na agad sila.

Habang nagsiswimming sila, biglang tumunog ang cellphone ni Robert. Umahon muna siya sa swimming pool para sagutin ang tawag sa cellphone. "Robert, alam ko na kung nasaan sina Ella." Sabi ng tao sa kabilang linya. "Sino ka?" Hindi nagpakilala ang tao sa linya. "Nasa Indonesia sila ngayon." Sabi ng tao sa kabilang linya. Binaba na ni Robert ang cellphone niya. Sino ang tumawag? Hindi naman niya pinapahanap si Ella pero bakit may tumawag sa kanya? Ang alam lang niya ay nasa Indonesia ngayon si Ella.

Pagkatapos ng company outing nila, bumili agad si Robert ng ticket papuntang Indonesia. Inayos na rin niya ang kanyang visa at passport.

Nang maayos niya lahat ng dapat ayusin, nagtungo na agad siya ng airport at hinanap ang flight niya.

Nahanap na niya ang flight niya kaya sumakay na siya dito. Lumipad na ang eroplano. Hindi pa nakakalayo ang eroplano, biglang sumabog ang likod nito. Nagpanic lahat ng tao na nakasakay dito at kanya- kanyang kuha ng kanilang mga parachute.

Binuksan ni Robert ang pintuan ng eroplano at tumalon suot ang kanyang parachute. Hindi natuloy ang pagpunta niya sa Indonesia. Baka hindi lang tama ang panahon para magkita ulit sila ni Ella. Baka mali lang ang nasagap niyang balita.

Feelings We Don't KnowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon