The Box
Matapos sabihin ni Ella kay Robert na buntis siya, hindi na siya lumapit pa ulit dito. Natatakot kasi siya kay Ariane. Baka kung ano pa ang magawa nito.
It's been two months since that incident happened. Malaki na ang tiyan ni Ella. Kasama niya si Dwayne ngayon para magpacheck up. Six months na ang baby ni Ella at pwede ng malaman ang gender nito.
"Your baby is healthy. Normal ang heartbeat niya at wala siyang sakit. Very healthy." Sabi ni Dra. Sandy. Tinanong ni Ella kung ano ang gender ng baby. "It's a girl." Sabi ni Dra. Sandy habang nakatingin dun sa screen ng room. Napangiti si Ella. Pati si Dwayne nakangiti rin.
Umalis na sila ng ospital at pumunta ng mall para mamasyal. Sa kanilang paggagala, hindi nila akalain ang nakita nila.
Magkasama si Ariane at si Robert. Kinabahan bigla si Ella. Baka kasi makita siya ni Ariane. Baka isipin ni Ariane na sinusundan siya nito.
Lumayo sila sa dalawa at kumain sa isang restaurant. Kumakain sila ngayon ng mga Italian Food. "Dwayne. Thank you." Sabi ni Ella. "You're always welcome." Sabay ngiti kay Ella. "Ella, may sasabihin ako sa iyo." "Ano yun?" Sabi ni Ella. "Ex ko si Ariane. Kilala ko siya. Kaya huwag kang basta basta lalapit sa kanya. Baka kung ano ang magawa niya sa iyo." Sabi ni Dwayne. Parang may takot sa mukha ni Dwayne. "Kaya kung pwede lang, lumayo ka muna sa kanilang dalawa. Kaibigan kita kaya gusto ko na ligtas ka. Kayo ng magiging anak mo." Sabi ni Dwayne at hinawakan niya ang kamay ni Ella. Alam ni Ella ang mangyayari, hindi sila pwedeng magkita ni Robert. Hindi sila pwedeng magkita ng tatay ng anak niya. Nakatingin ngayon si Ella sa sahig, hindi alam kung ano ang sasabihin niya kay Dwayne. Pero nagpapasalamat siya dito dahil napakabait nitong tao.
Pagkatapos ng pag-uusap nila, may binigay si Dwayne na isang box kay Ella. Ang laman ng box na yun ay yung project nila nung high school pa sila. Painting ng school nila. Natuwa si Ella sa binigay sa kanya ni Dwayne at naalala niya lahat ng nangyari nung mga binata at dalaga pa sila. Kahit na problemado si Ella, inalis yun ni Dwayne para mapasaya lang ang kaibigan niya.
BINABASA MO ANG
Feelings We Don't Know
RomanceWill you hold on to your past? Even if it can break you or fix you? Present day, nameet ulit ni Ella ang past niya at the most unexpected time and place. Ito na ba ang right time para sa kanilang dalawa? Or is fate turning its magic again para pagla...