Chapter 2 The Fight
#April
Ayos! Papasok na ulit ako, haha excited akong malaman ang resulta ng plano ko.sinadya kong umabsent para maiwasan ko si Dave, kaso nanamlay naman ako ng maalala ko ang nangyari nung miyerkules, Badtrip kasi si Dave eh!
Pagpasok ko sa room….
“good morning people!” sigaw ko, nagsilingunan sila pero bumalik din sa ginagawa nila, aba! Walang pumansin saken, nakita ko si Dave nakahalumbaba at nakatitig sa bintana lumapit ako at tinitigan ko sya umupo ako sa tabi nya
“success s ang plano mo”nagitla ako nabigla naman to!
“eh? Anung nangyari?? Kwento ka dali!!”
“kelangan pa ng try out para makasali sa team”
“tapos…?”
“hindi ako sasali"
“HUH!!? Bakit hinde!?” nangibabaw boses ko sa buong room, hindi sya sumagot
“kelangan mo sumali sa team para kapag me laro kayo manunuod ako tapos mapapanuod ko din si Jury!”
Kumunot ang noo nya
“April……”
“ha?”
“may long quiz tayo ngayon”
“eh!!!!?” napalingon ako sa buong room nag aaral lahat sila
“bakit di mo sinabi agad!! tungkol san ang quiz?”
“malay ko! Kelan mo ba ako nakitang magtake notes!”
Patay na ako nito ngayon.pumasok na sa room si sir Lopez, first period, long quiz, math! Alam nyo ba ang feeling ko ngayon!! Worst subject para saming lahat maliban ke Dave pa easy easy lang sya ewan ko ba kung panu tu nakakapasa di naman to nag aaral eh
“ah….wala na akong kinabukasan nito, di mo man lang ako pinakopya eh” nilingon ko si Dave, tulog.
“April!” me tumawag saken si Mori pala, anu na naman kayang kelangan saken ng kumag na lalaking ito, sinenyasan nya akong lumapit sa kanya me ibubulong ata saken bigla nalang nya ako hinalikan sa pisngi
“eh!? Eh………!!!” nagising si Dave sa tili ko lahat ng nakakita sa ginawa ni Mori saken eh natigilan
“Mo-Mori Ba-Bakit mo hinalikan si April?” tanong ni Jake
“ikaw eh sabi mo bakla ako!”
EH!? Di makapaniwala si Jake sa sagot nya kahit naman ako eh lutang tuloy ako
“pu-pun-ta-mu-na-a-kong-cr…”
“anung nangyari dun? Tanung ni Dave nagsitinginan lahat sa kanya
Naglalakad ako sa corridor papuntang cr ng may na detect ang tenga ko
“oo nga eh….ang daming sumali ngayong taon, pero sigurado si Jury na ang Captain ball” napangiti ako sa narinig ko
“me try out ata ulit mamaya d b”
“UI nabalitaan nyo ba, me isang nagtry out kahapon ang galing din nagkainitan pa nga sila ni Jury eh, medyo napahiya pa nga si Jury eh”
“ah oo yung sabi eh hindi naman daw nya gusto sumali napilitan lang naman daw sya”
Aba! Ang kapal naman ng mukha ng kupal na iyon ipahiya si Jury!
“oo, second year ata din yun…ang alam ko sa II-C sya”
Eh!!? kaklase ko pa talaga, sino kaya iyon at makakatikim saken, nagtatakbo ako pabalik sa classroom kaso pagliko ko me nakabungguan ako tinulungan pa nga ako tumayo ang bait naman, pagtingin ko nabato ako, para akong binuhusan ng malamig na tubig
BINABASA MO ANG
Ikaw na Pala I "Their Story"
RomanceMatagal ng may crush si April kay Jury at ganun din si Dave kay Neya ngunit hindi to maunawaan ng mga kaibigan at kaklase nila sa pag aakalang may gusto sila sa isat-sa dahil sobra silang close, kaya naman nagpasya ang buong section na paglapitin an...