Chapter 39 Last Day of school for this Year
# April
Ano ba kasi ito? May mapapala ba ako dito sa sangang ito, nakakain ba to? Kinagat ko ng konte, pwe! Ang paet! Wala naman kwenta tong binigay nya saken eh, binuksan ko yung bintana sa kwarto ko kahit gabi na at isinuksok ko yung sangang bigay ni Dave sa pasong nilulumot na at matagal ng tengga dun sa bintana, dati kasing nakatanim dun yung rose na napagtripan kong hingin kay aling choleng kaso namatay pinabayaan ko na binunot ko yung mga damo at isinara na ulit yung bintana, kailangan ba yun diligan? Ay wag na tinatamad ako
“kapag di mo nabuhay yan hindi mo din makikita yung totoong regalo ko sayo, yung unlimited flowers para sayo” napatayo ako bigla at kumuha ng tubig sa tabo at diniligan yung sanga
“mabubuhay kaya to? Sanga lang naman to eh, mahirap daw buhayin to, eh wala naman akong hilig sa mga halaman, ako pa kaya makabuhay nito?” napatitig ako doon
“ano kayang halaman ito”
“pssst!” napalingon ako para hanapin kung sino yung sumitsit at pagtingin ko sa kaliwa andun si Dave nakapambahay na
“oh bakit?” sigaw ko, sumenyas sya na wag ako maingay at pinapalabas ako, loko to gabi na kaya! mabulbog pa sya sa labas, di pa naman nya ako kasama, parang sya yung babae ah’ lumabas ako at hinarap sya
“lagot ka kay Kuya kapag inabutan ka nya dito, bumili lang sya saglit ng ulam” pagkasabi ko nun hinigit ako ni Dave at dinala ako sa may palaruan kung san may swing at seesaw at slide at baras at kung ano ano pa
“di mo pa ako binabati, monthsarry pa natin ngayon”
“hinila mo ako dito para batiin ka?” he just nod, my god para syang bata
“payn….ha-pi-month-sa-ri” walang gana kong sabi ngumuso sya saken hindi bagay sa kanya promise nakakarumi sya, pinitik ko sya sa tenga
“ah! bakit ka namimitik!?”
“wala trip ko lang bakit?” wala ata syang gana makipagdakdakan saken ngayon? may kinuha sya sa bulsa nya, wrist band na tulad ng pinamimigay ng kandidato kapag may eleksyon, may tatak yung check na pabaliktad, hinihingi ko to sa kanya dati ayaw nya ibigay bakit binibigay nya to ngayon saken
“para san to?”
“remembrance” bakit parang nalulungkot ako ngayon, napatitig ako sa mukha nya at malungkot din sya
“Dave my problema ba?” umiling lang sya
“sige na bumalik ka na sa inyo baka andun na kuya mo maghahapunan pa ata kayo hahanapin ka na nun” nakangiti sya pero di ko ramdam na masaya sya, hindi ko alam ang pumasok sa isip ko at bigla ko na lang sya niyakap, pakiramdam ko kasi kailangan ko gawin yun, yumakap din sya sakin medyo matagal kaming magkayakap at nauna syang bumitaw
“I’ll walk you home” seryoso nyang sabi tumango lang ako at naglakad na kami pauwi, walang umiimik saming dalawa nakatitig lang ako sa wrist band na kakabigay lang nya, tumingin ako sa kanya at nakatingin lang sya ng diretso sa daan, may pakiramdam akong may hindi sinasabi si Dave saken, hanggang sa makarating na kami sa bahay namin walang umiimik nakasandal sa may pintuan si kuya at hinihintay ako kaya umalis na si Dave, nakatitig lang ako sa kanya habang papalayo sya
# Dave
After 1 week
Ang ingay ang sakit sa ulo…..siguro hindi lang to dahil maingay, di ako nakatulog ng ayos, isip kasi ako ng isip, nagdadalwang isip ako kung aalis ba ako o kung dito na lang ako haixt! Ang hirap naman nito! Last day of school for this year, Christmas vacation na, ano bang dapat kong gawin ngayon, wala ng klase tapos na akong gumawa ng mga requirements ko, nakakainip ang tagal bumalik ni April, tambak kasi sya ng Gawain di kasi nag gagawa ng mga project nya eh, yan tuloy, tarantahan sya ngayon, kung kelan naman gusto ko sya makasama pa ng matagal hay….!
BINABASA MO ANG
Ikaw na Pala I "Their Story"
Roman d'amourMatagal ng may crush si April kay Jury at ganun din si Dave kay Neya ngunit hindi to maunawaan ng mga kaibigan at kaklase nila sa pag aakalang may gusto sila sa isat-sa dahil sobra silang close, kaya naman nagpasya ang buong section na paglapitin an...