Chapter 28 Fishy!
# Neya
Nakakainis! Walang kwenta yung drama ko kay Dave kahapon, napasama pa ang image ko! Kung hindi lang dahil kay April, hindi ako magiging ganito kadesperada I really don’t like her napatayo ako sa upuan ko ng dumating si Jury sinalubong ko sya
“Jury….may problema”
“nakikinig ako ano yun” wait dapat ko ba sabihin sa kanya, no! hindi pala pwede
“Neya?”
“ahm…..sa sports committee kasi, ahm…mali ata yung compute ko pakicheck ha, madami pa kasi akong ginagawa”
“ah…yun lang pala akala ko naman kung ano na” nagi-guilty ako ngayon, bakit nga ba hindi ko pa bitawan si Dave, dapat kuntento na ako kay Jury eh, pero parang ayaw ko talaga mawala saken si Dave, hindi kaya nahulog na rin ako kay Dave?
“Neya! Good luck sa game nyo mamaya papanuorin kita, panuorin mo din ako ha” sabay kindat nya saken. I unconsiuosly smile back at him, I really love that guy
Wait! Stop Neya! You still have a lot of things to do and today is Sports Fest at bukas may date kami ni Jury I’m excited, Neya! Focuse for today first!.... oh my gosh I can’t wait for tomorrow!..... I’m getting crazy.
# April
Andito ako ngayon sa basketball court manunuod ng laban ng aking boyfriend kasunod ng match na ito ang kina Dave kaso di ako makakapanuod may game ako, speaking of Dave hindi ko pa sya nakikita simula nitong umaga asan kaya sya?
“April I’ll be going na”
“oh sige goodluck!” sabi ko ng di man lang tumitingin sa kanya, hinahanap ko si Dave, bigla na lang nya ako hinalikan sa pisngi nagulat ako
“I need a good luck charm” then he left me dumbfounded, naalala ko nung bago kami sumalang ni Dave sa search kiniss nya rin ako sa cheek, wait! Baka nakita sya ni Dave naku baka magselos yun, magseselos nga kaya sya? Yung lokong Jury na iyon, naalala ko kung pano nya hinalikan sa pisngi nun si Neya, nag iinit ang bungo ko, nagseselos ba ako?
“aray!” napalingon ako sa taas ko kasi naman nasanggi ako parang sinadya lang tapos nakita ko yung tatlong babae na kakaupo lang sa may likuran ko, mga mapapaklang babaita! Insecure much!? Haixt! Matagal na din akong nagtitimpi sa mga babaeng ito simula nung maging open in public relasyon naming ni Jury madami na akong nararanasang pambubully ng mga babae, ito na yung sinasabi ni Dave dati na consequences, naku naman Dave asan ka ba? namimiss na agad kita
Nagsimula na ang game, at syempre chinicheer ko si Jury kaso talo ako sa sigaw nung tatlong babae sa likod ko, sige magpakapagod kayo para namang nakikipagkumpitensya ako sa inyo nasa kalagitnaan ng laro nila ng makita ko si Dave at nakatingin sya saken with a serious look, I saw him nod at me, pinapapunta nya ata ako dun, kaya umalis ako sa pwesto ko at pumunta sa kanya
“Dave! Bakit wala ka kaninang umaga?” hindi nya ako sinagot at tinitigan nya lang ako, tumungo sya at bumuntong hininga
“Dave may problema ba?”
“nothing I just want to see you, makakapanuod ka ba ng laro ko mamaya?”
“hindi may game din ako”
“ganun ba, kasama mo ba magla-lunch si Jury?”
“hindi ko pa alam di pa nya ako niyaya eh, kayo ba sabay ba kayo ni Neya?”
“hindi, nag away kami eh”
“na naman? Bakit?”
“ui April! Sa wakas nahanap din kita may laro pa tayo…oops! May kasama ka pala nakakaistorbo ba?” dumating si Pinky at niyaya na ako sa field, kainis naman seryoso yung pinag uuspan namin eh
BINABASA MO ANG
Ikaw na Pala I "Their Story"
Любовные романыMatagal ng may crush si April kay Jury at ganun din si Dave kay Neya ngunit hindi to maunawaan ng mga kaibigan at kaklase nila sa pag aakalang may gusto sila sa isat-sa dahil sobra silang close, kaya naman nagpasya ang buong section na paglapitin an...