Chapter 3 Old Seatmate

16 0 1
  • Dedicated kay Lhei Bautista
                                    

Chapter 3 Old Seatmate

# April

“GOOD MORNING!!” halos humiyaw na ako sa pagbati sa buong klase pagpasok ko ng pinto, lumingon sila saken pero wala naming bumati pabalik, ok lang sanay na ako, snob talaga ang mga tu.

                Nakita ko na si ehem! Kung sino man syang nagpapainit ng ulo ko ke aga aga, ayoko sya makatabi

“oi Pinky palit tayo ng upuan gusto ko katabi si Mori eh” sigurado papayag to crush nito si ehem! Nevermind

“dun ka muna sa upuan ko” huh! Ngisi ng todo ang luka. Ayos! Nang makaupo ako sa tabi ni Mori, nakita ko syang nakatanga saken at nakataas ang kilay

“ano na namang trip to ha April?”

“wala namiss lang kita” namiss ko talaga to si Mori sya lang nagtyaga saken na maging seatmate ako nung elementary kami, marami na din itong alam tungkol saken

“mukha mo! Maniwala ako sayo! Alis! Ayoko katabi ka!!”

“ang sama mo Mori parang wala tayong pinagsamahan ah!”

“bakit meron ba?”

“Mori …..” nagpapacute na ako sa kanya paupuin lang nya ako sa tabi nya, bigla nalang nya inihampas sa mukha ko yung notebook nya, aba! Takteng to!! Baka nakakalimutan nyang me kasalanan pa sya saken. Tinitigan ko sya yung titig na nantutunaw sa galit, nanlilisik mga mata ko

“he-he, April naman di mabiro, dito ka nga masyado kang malayo” sabay higit nya sa upuan ko magkadikit na siko namin

“kahit dito ka na umupo hanggang graduation, I don’t mind at all” sabay ngisi nya, Ayos! Haha

#Dave

                Akala ata ng babaeng yun di ko alam na umiiwas sya saken, kala ba nya me pake ako, kaganda nga at di na sya ang katabi ko, ok nga itong katabi ko eh si Pinky, tahimik lang sya kaso iipis ipis panay pa tingin saken

“me problema ka ba?” nagulat ko ata sya nung nagtanung ako

“ha? Ah eh wala naman” sagot nya, napansin kong nagbabangayan si Ap-yung babaeng katabi ni Mori at si Mori, kawawang Mori magiging maingay na ang mga araw nya dahil kay Ap- tsk! Badtrip!!

                Medyo weird klase naming ngayon maingay pa rin katulad ng dati, kaso di ko maintindihan, parang me kulang

#April

                Masakit na balikat ko kakapalo saken ni Mori at mangiyak ngiyak na sya kakatawa habang nagklaklase si mam Adunay

“ang tanga mo talaga April promise! Hahahahahaha”

“eh bakit sa wala talaga akong naiintindihan sa mga pinagsasabi ni mam” naghagalpakan ng tawa ang buong klase, ang gulo, nakikinig naman ako ke mam ngayon na nga lang ulit ako nagpakatutok sa pakikinig pero wala talagang mag process sa utak ko

“bakit nga pala di kayo magkasabay ni Dave ngayong umaga?” natauhan ako sa tanung ni Mori palabas na kami ng room recess na pala

“huh? Sinong Dave?” binura ko na sya sa memory ko, tiningnan ko si Mori nakatanga sya saken at napatingin sa likuran ko, paglingon ko sa likod ko andun si Da- hmmft!

“hindi ko sya kilala tara na Mori bilisan mo”

“magkagalit ba kayo ni April, Dave?” tanong ni Mori

“sino yun? Di ko sya kilala ni minsan wala akong naririnig na ganung pangalan” sabay tawag nya kay Pinky

#Mori

Ikaw na Pala  I  "Their Story"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon