Chapter 40 Preparations

9 0 0
  • Dedicated kay Frenalyn Argonza
                                    

Chapter 40 Preparations

# April

                Nakatitig saming dalwa ni Dave si Kuya June, at wari ko konti na lang tunaw na kami, hula ko di papayag to

“ok sige” napamulaga ako kay kuya, ngumiti lang si Dave

“seryoso!?” tumango lang si kuya

“tutal wala ngang kasama si Dave ngayong Christmas isama na lang natin sya dito”

“pano si Tita Diana?” tanong ko kay Dave

“pinuntahan si papa dun sya magkri-christmas”

“bakit di ka sumama?”

“kasi ayoko” wala ng pag asa tong si Dave

“so…tayong tatlo magkakasama ngayong Christmas….dahil kasama natin ngayon si Dave maghahanda tayo, April! Mamili ka na dahil ikaw ang magluluto ng handa natin sa pasko” napatayo ako bigla

“asa ka! Parang marunong ako magluto eh anu!?”

“Dave! Ikaw ang magtuturo kay April”

“okay” napanganga ako, kelan pa sila nagkasundo ni kuya?

“eh ikaw?”

“audience at tagapalakpak nyo, taga tikim na din kung gusto mo” sarap mambatok!

“tara na?” ha? Ano as in now na? binigyan ni kuya si Dave ng pera

“shupi! Wag kayong uuwi ng walang dala ha!” badtrip tong dalawang ito ah!

                Dumiretso kami ni Dave sa palengke, mamimili kami ng pangrekado sa spaggetti syempre di nawawala yun kapag pasko

“Dave buti di ka choosy sa binibilhan mo ng pagkain ano?”

“laking hirap ako no” ah oo nga pala

“anung kinakain mo? Sinong nagluluto? San ka nakuha ng pang gastos mo?” tumawa si Dave

“I specially treat myself, kapag tinatamad ako magluto eh di noodles na lang tsaka kape” napatigil ako sa paglalakad

“kumakain ka pa ba ng kanin?”

“oo naman” pagkasabi nya nun namili sya ng sibuyas at bawang sa isang stall ng gulay

“anong inuulam mo?”

“yung mga madadali lang lutuin na ulam” napatitig ako kay Dave, para talga syang normal na mamamayan ng humble na barangay iskwater hindi mo mahahalata na anak sya ng mayaman

“bakit?” natauhan ako

“ahm…..Dave ikaw na lang magluto ha….ako na lang magbibitbit nyan”

“nakakalalaki ka naman April!” ha? Tinitigan nya ako ng masama ok talo na ako!

“sabi ko bilisan na natin excited na ako magluto! Oh! Bitbittin mo ito” sigaw ko sa kanya ngumiti lang sya at sumunod saken sa paglalakad

                Pagdating namin sa bahay nagsimula na kami ng cooking lesson, syempre hindi lang spaghetti handa namin, meron ding buko salad at kaldereta, so nagsimula na kong maghiwa ng sibuyas, oi hindi naman ako ganun Katanga na di marunong maghiwa ng sibuyas at alam kong masakit yun sa mata, kaso sinanggi lang naman ako ni Dave kaya nahiwa ko yung daliri ko, tiningnan ako ni Dave

“tatanga tanga ka na naman?”

“sinanggi mo ako loko ka! Nahiwa tuloy ako”

“ikaw may hawak ng kutsilyo ako sinisisi mo”

Ikaw na Pala  I  "Their Story"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon