Chapter 30 Couples
# Prez. Mary
Hindi na matutuloy ang plano para sa mga holidays…bakit….eh nagka-aminan na eh sa wakas pero parang ganun pa din sila eh, nagbabangayan sa klase katulad pa rin ng dati inaasar sila ni Mori na may LQ sila kahit hindi naman, nagsisigawan sila oo pero hindi sila galit sa isat isa normal na ito samen kaso naman……! Walang wala sila dito sa dalwang ito oh! Sina Marinella at Luigi kung gano sila makapaglampungan kapag walang teacher grabe lang! haixt! Ako kaya kelan?
“Prez. Mary, san ko ilalagay to?” tanong ni Jake habang dala dala ang kinolekta nyang mga notebook
“sa bulsa mo baka kasya! Malamang sa lamesa! Chechekan ni mam di ba?” inis!
“sungit” narinig ko yun ha!
“sige! Sa faculty mo ideretso tapos dalhin mo ulit dito tapos ikaw na din mamigay pagkacheck ni mam!”
“makapag utos….”
“kanina ka pa Jake huh!”
“inaano kita?”
“parinig ka pa!”
“wala akong sinasabi ha!”
“tanggi ka pa”
“oops! Time out! Padaan muna ako” singit ni Pinky , kainis talaga to si Jake timing mandin sya lagi tuwing naiinis ako dumadating sya o dumating sya kaya ako naiinis huh? Bakit naman ako maiinis sa kanya buti nga umalis na sya, pero sa lahat ng nakakabangayan ko sya lang ang di takot at umalis na sya at dinala ang mga notebook sa faculty at sinunod nga ako ng tanga.
# Mori
“excuse….uupo ho ako” sabi ni Pinky
“dito pa kasi daan ng daan pwede naman dun sa kabila”
“ay sa dito malapit eh”
“alam mong masikip dito! Bilisan mo nga”
“makaangal to parang kanya yung daan eh! Kung inilalagay mo kaya bag mo sa upuan! Para hindi sikip!? Hmmmft!”
“malamang harapan ko tung dinadaanan mo kaya aking harapan to! Tsaka ang upuan para sa tao hindi para sa bag, subukan mo kayang humilata sa sahig habang nakaupo yung bag mo!”
“bakit ang sungit mo may regla ka ba ngayon! Ha!?”
“bastos ka rin at kalhati ano!?”
“mainit ata mga ulo ng tao ngayon” singit sa usapan ni Marinella
“hindi kayo gumaya samen ni Luigi nagmamahalan” hmmp!
“ya eh na!” sabay naming sagot ni Pinky at umupo na sya sa tabi ko, seatmate ko sya remember!!?
# April
Napatigil kaming dalwa ni Dave sa pagdadakdakan ng mapansin namin sina Mori, Pinky at Prez. Mary, Jake na nag aaway at heto nadadamay na sa eksena ang lovebirds ng section namin, anong meron? Nagkatinginan kami ni Dave, mukhang di lang kami ang may story, lalapit na sana ko sa kanila ng pumasok sa room si mam Adunay
“ok class get 1 whole sheet of paper” wow what a surprise! Napa angal ang buong klase
“bakit? Ina-nounce ko naman kahapon na meron tayong practical exam di ba…..”
“wala naman kayong sinasabi mam….”
“meron! Tanda ko! Wag nyo akong lituhin di na gagana mga pakulo nyo, ok number 1 answer the following…….” blah blah blah nataranta na ako sa pagkuha ng papel at nahulog ko na yung notebook kong patungan, kukunin ko na yun sa sahig ng di natingin ng tila iba nadampot ko,wah….malambot pagtingin ko kamay pala ni Dave na kumuha sa nalaglag kong notebook nagkatinginan kami
BINABASA MO ANG
Ikaw na Pala I "Their Story"
RomanceMatagal ng may crush si April kay Jury at ganun din si Dave kay Neya ngunit hindi to maunawaan ng mga kaibigan at kaklase nila sa pag aakalang may gusto sila sa isat-sa dahil sobra silang close, kaya naman nagpasya ang buong section na paglapitin an...