Chapter 29 Tutorials

11 0 0
                                    

Chapter 29 Tutorials

# Dave

                Natapos ang sports fest at nakapagdate kami ni April ng palihim nakakapanibago kasi hindi kami nagsisigawan tapos parang ang smooth lang ng usapan namin feel na feel namin ang mga oras na magkasama kami yun nga lang tuwing may magpe-page ng pangalan namin napapatayo kami bigla at sabay na sasabihin “may laro pa nga pala ako” sabi ko di na ako maglalaro at susulitin ang oras ko na kasama si April kaso naman buong klase ang nangungulit saken makakatanggi pa ba ako ganun din si April, after ng sports fest ay mid term exams kaya naman andito kami sa apartment ko, kumpleto kami at tila naghulog ng magandang hangin ang month na ito kasi nag-gru-group study kami ngayon kumpleto ang tropa

“ so x is equal to -3, kuha nyo ba?” tanong ko ng lingunin ko sila mga nakahalumbaba nagc-cp, nagdra-drawing at kumakain ng junks foods sila, in short walang nakikinig, humikab si April ng malakas at napalingon sila sa kanya

“April nakakasawa na yang paghikab mo ha!” tumingin lang si April kay Jake at naghalumbaba ulit

“oi April, ayusin mo wag mong kakalimutan na mahihila mo grades ko kapag bumagsak ka!” angal ko pero parang wala syang narinig

“wala ka ng magagawa Dave, isang bagay na ayaw talaga ni April ay mag aral” komento ni Mori

“alam nyo kasi ang pag aaral parang love yan eh…” napagbato namin si Luigi, kanina pa kasi sya love ng love nakakairita na

“wag ka na lang umimik pwede!” kitams? Asar na din si Pinky

“lahat na lang ikinumpara sa love eh!” naiiyamot na sabi ni Prez. Mary

“hayaan nyo na inspired lang yan, kaya ikaw April gawin mong inspiration si Jury para magkaron ka ng motivation na mag aral” sabi ni Marinella habang nagbubuklat ng pocket book ni April

“hmmft! Lalo akong nawawalan ng gana kung sya lang!” napangiti ako sa aking narinig

“eh kung si Dave?” Tanong ni Jake, EH!?  Napaayos ng upo si April at ngumiti ng maluwag, kaso ng mahalata sya ay humilata sya sa sahig

“ehem! Syempre……ewan”

“hahahaha iba na yan April ha….nakakahalata na ako sayo” sabi ni MArinella, nagtawanan sila, ang tanga naman nito ni April may balak ba syang ibuking kami?, isip ng palusot Dave isip isip

“April hindi  pwede yang iniisip mo akala mo ba papayag ako na ako lang talaga pag aaralin mo at aasa ka na lang sa grades ko? Alam ko na yang ngiti mo na yan eh! Asa ka naman! Mag aral ka nga ng iyo!” napanganga sila saken, haha I’m so great! Lusot!

“wow April you are really taking advantage of Dave, how selfish!” komento ni Pinky, hahahaha si April inismid ako ok panalo ako today!

# April

                Bwisit na to si Dave ganda ng dahilan! Mamaya ka saken akala mu, kita ko sya tatawa tawa pinag kakaisahan kasi nila ako dahil dun sa sinabi nya hmmft! Sige pagbigyan at nakalusot naman sa katangahan ko kanina

“hay buti pa si Luigi may inspiration ako wala” - Jake

“hindi ka kasi marunong manligaw puro ka pick up” - Mori

“bakit may ibang girls naman na nahuhulog talaga sa mga pick up lines” - Pinky

“ehem! Not me” - Marinella

“si Prez. Mary pwede” - Mori

“gusto mo ng mamatay!?” sabay na sabi ni Prez Mary at Jake, ahahaha, wait pano napunta sa ganito ang usapan

Ikaw na Pala  I  "Their Story"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon