Chapter 15 Swept by the Dance
# Dave
Nasa backstage kaming lahat na participants pero humiwalay kami ni Neya actually ako ang humila sa kanya, kelangan ko maparamdam sa kanya na gusto ko sya, gusto ko naman talaga sya, nadisappoint lang ako ng malaman ko na may iba pala syang motibo at dahil sa gusto ko na naman sya iintindihin ko sya alam ko din namarerialize nya din na napipilitan lang sya katulad ko noon, may konting part saken na umaasa na magugustuhan din nya ako at dahil dun mas lalo ko lang napapatunayan na mali sila sa nakikita nila sa pagitan namin ni April, gusto nyang linawin ang lahat at ganun din ako
“Neya….” Hinawakan ko kamay nya at napansin kong nailang sya, wala akong naramdamang sakit sa reaksyon nya ‘bakit ba!? Ang haras mo ngayon ha!’ eh? Bakit bigla ko naalala yun, nung time na yun, naging sensitive ako sa words ni April
“bakit Dave?” eh!? Napabitaw ako kay Neya
“ahm….” Kasasabi ko lang na kailangan na kami malinawagan pero heto ako nalilito at naliligaw parin sa mga iniisip ko
“Dave, magsisimula na ang search kailangan ko ng bumalik sa Partner ko” tumayo sya at akma ng aalis ng kapitan ko sya sa braso at hinila sabay yakap sa kanya, kailangan ko ng maliwanag na sagot kailangan kong malaman kung ano ba talaga ang nararamdaman ko para kay Neya
“D-Dave! Baka may makakita saten” bumitaw ako at napayuko
“Neya…..gusto mo ba talaga ako?”
“a-ano bang sinasabi mo, syempre gusto kita” nauutal sya haixt! Hindi ko makikita sa kanya ang sagot tumunghay ako at ngumiti sa kanya
“maghihintay ako Neya, maghihintay ako na aminin mo ang totong nararamdaman mo saken” napatulala sya at iniwan ko na sya, ang dibdib ko sobra akong kinabahan sa ginawa ko akala ko magalit sya, pero hindi, sign na ba yun? Napatigil ako sa paglalakd ng makita ko si April kasama nya si Jury at nagtatawanan sila, kung may gusto ako kay April dapat maiinis na ako ngayon dahil kasama nya si Jury, pero wala akong nararamdaman, tama! Wala nga akong nararamdaman para kay April, eto na ang sagot mali silang lahat, mali,
Lumapit ako sa kanila at tinapik sa balikat si Jury, napatingin sila saken at nginitian ko lang sila
“pre magstart na ang search balik ka na sa partner mo” nagkatinginan silang dalwa ngumiti si Jury kay April huh? Anung klaseng ngiti yun? Parang manyak lang eh
“kinakabahan ka ba?” ako pa talaga tinanung nya sanay na ako sa ganito, elementary palang napapasali na ako sa ganito, di ako makapaniwala ng tiningnan ko si April, ilang araw ako nailang sa kanya pero ngayon parang bumalik na ang dating sya dala na rin siguro ng realization ko na wala talaga akong gusto sa kanya
“wah! Baka mapunit bibig mo sa ngiti mo, me nangyari ba?” hala bungisngis na sya ngayon at tinuro ang pisngi nya at kala moy kinikiliti
“ehehehe…binigyan ako ni Jury ng good luck kiss” hala tingnan mo sya ngayon parang tandang na manok na nagkakaykay sa lupa habang nagkakakampay, mukha syang tanga, eto na nga ang tunay na April nagbalik na sya, tumigil na sya hinihingal syang tumabi saken at isinandal ang ulo nya sa balikat ko dugdug-dugdug! Eh? Anu naman yun ngayon!
“hay….Dave ang sarap mainlove….hahahahaha”
“in love ka na ng lagay na yan!? Naiinis ako ngayon bakit kaya?
“oi II- C kayo na ang sunod!” sabi ng stage director biglang tumayo si April at sumaludo
“yes sir!” parang timang! sana iba na lang naging partner ko dito, pakiramdam ko mapapahiya na naman kami nito
BINABASA MO ANG
Ikaw na Pala I "Their Story"
RomansaMatagal ng may crush si April kay Jury at ganun din si Dave kay Neya ngunit hindi to maunawaan ng mga kaibigan at kaklase nila sa pag aakalang may gusto sila sa isat-sa dahil sobra silang close, kaya naman nagpasya ang buong section na paglapitin an...