Chapter 6 Secret Meeting at Room 101
# April
Pumasok ako sa room namin at umupo sa upuan ko, gusto ko ng ganito walang kausap walang maingay ako lang at Malaya akong makapag muni muni, iniisip ko kung sinong susunod na dadating sa room may hinala na ako at tama ang hinala ko
“wow ang aga mo ngayon April ah! Himala” lumapit saken si Marinella pero di ko sya pinansin nakahalata siguro sya na badmood ako kaya bahagyang lumuhod sya sa harapan ko at sumilip sa mukha ko nakayuko lang ako
“this is a rare sight! Bakit ka naiyak April? Me nangyari ba?” napakapit ako sa mukha ko basa ang pisngi ko kainis naman oh! Pinahid ko kaagad luha ko ayoko pa naman na may nakakakita saken na ganito
“kala ko tapos na pag iyak ko hindi pa pala” napapahikbi ako at di ko na napigilan napahagulgol na ako kay Marinella, niyakap nya ako at pinispis ang likod ko iyak ako ng iyak at medyo masakit na mata ko
“Mari….si Neya….impokrita syang bruha sya! Bwisit! dakpin sana sya ng kapwa nya mangkukulam,” nakatanga lang saken si Marinella halatang di nya naiintindihan pinagsasasabi ko, ikwinento ko sa kanya ang nangyari kanina bago ako pumasok
“naniniwala ka ba saken Mari?” ngumiti lang sya saken
“oo naman sino namang di maniniwala kung may nagpaiyak sa pinaka masayahing tao dito sa Blue Crest Academy”
“exaggerated ka naman masyado, wag mo sasabihin sa iba ha walang maniniwala saken eh”
“ok mapagkakatiwalaan mo ako” naniniwala akong mapagkakatiwalaan sya dahil walang ano mang tsismis ang nakapagpainterisado sa kanya kahit pa tungkol sa boyfriend nya
“dito ka muna sa tabi ko pagtabihin mo muna sina Luigi at Dave” tumango lang sya
#Marinella
Grabe ang mukha ngayon ni April, gusot na gusot, kanina pa sya di nagsasalita ang lalim ng iniisip nya, nadepress talaga sya sa mga nalaman nya kung sa bagay kung ako yun baka di ko na matiis at masasapak ko ng wala sa oras ang taong nagsasabi saken ng ganun kaso iba si April hindi sya marunong lumaban sa babae pero napaka galing naman nya mangbugbog ng lalaki, di ko akalain na totoo ang mga naririnig ko tungkol kay Neya hindi naman sa di ako naniniwala, wala lang talaga akong pakialam, alam kong medyo may katalasan din dila ni Dave at ang pagkakaalam ko immune na si April dun, bakit parang ngayon nasasaktan sya, and speaking of Dave nasa harap ko sya ngayon
“that’s my seat!” hmmft! Ang sungit asarin ko kaya?
“bakit miss mo ng makatabi si April?
“asa” napatunghay si April naku! Tokneneng! Mali yung joke ko lumapit samen si Mori at tiningnan si April
“umiyak ka?” nagulat kaming lahat sa tanong ni Mori, halata kasi sa mata ni April eh nakita kong tumingin din si Dave kay April tumungo ulit si April oh no gotta save April
“dito muna ako Dave tabi muna kayo ni Luigi ha, Mori wag ngayon okay?” nagtinginan lang yung dalwa at sabay na umalis
“April, kung ganyan ka ng ganyan maghapon mas mabuting pang linawin mo sa kanila ang totong nangyari” tumingin lang saken si April at tumungo na ulit
#Dave
Hindi ako makapaniwala sa sinabi ni Luigi, umiyak pala talaga si April, di naman nya sinabi ang dahilan hindi na kasi kwinento ni Marinella ang detalye recess na ngayon at kanina pa ako nag iisip kay April nakakainis na ah! Lalo pa akong nainis ng Makita kong nasa gym na ako bago pa man ako Makita ng mga basketball players na to aalis na ako
BINABASA MO ANG
Ikaw na Pala I "Their Story"
RomansaMatagal ng may crush si April kay Jury at ganun din si Dave kay Neya ngunit hindi to maunawaan ng mga kaibigan at kaklase nila sa pag aakalang may gusto sila sa isat-sa dahil sobra silang close, kaya naman nagpasya ang buong section na paglapitin an...