Chapter 48 Where Are You?

8 0 0
                                    

Chapter 48 Where Are You?

# Marinella

                Siniko ako ni Luigi habang nagklaklase kaya napatingin ako sa kanya, nakatingin sya sa baba kaya tumingin din ako dun , nakita kong hawak nya cp nya at nakabukas ang isang message dun

“aalis muna ako, wag mo ng sabihin kay April babalik din naman ako agad, kayo munang bahala sa kanya”

“si Dave” bulong saken ni Luigi tumango lang ako at bumalik na sa pakikinig kay sir sa unahan

                May kakaiba ngayon sa klase bukod sa pagiging tahimik dahil istrikto tong si sir, wala talagang mag iingay kahit si April, walang kahit anong nakalagay sa ibabaw ng desk nya kundi cp nya grabe lang makalantad ng cp ah, walang katakot takot na masamsam cp nya, di sya marunong magdala ng ballpen si Dave taga dala nya, buti di sya naiinip sa pwesto nyang yun nakatuon lang sya sa desk nya tapos nakatitig sa nananahimik nyang cellphone

“oi Lui! Sa tingin ko kailangan na natin sabihin kay April, tingnan mo naman itsura nya oh” lumingon si Lui kay April at bumalik ulit sa pagharapp sa unahan

“ikaw sabihin mo” seryoso nyang sagot saken

“ayssst!!!” napalingon kami lahat kay April, sa kalagitnaan ba naman ng katahimikan ng klase bigla syang gaganun with matching kamot ulo pa oh di ba agaw pansin sya

“whats your problem miss April?” tanong ni sir na napatigil sa pagsusulat ng mga math formulas sa blackboard

“sorry sir, hindi ko po talaga magets” sus! Di magets! Di ka talaga nakikinig!

“ano bang ginagawa mo April? Nakikinig ka ba saken kanina?” patay lumapit na si sir kay April at nakita ang cellphone ni April na parang reyna na okyupado ang buong desk nya

“give me that miss April” sabi ni sir hala! Terror teacher pa naman to

“ayoko nga may hinihintay akong text” wah….! Ano daw! Loko to si April hindi na lang ibigay eh, gusto pa mafaculty

“give me that or you’ll be in the disciplinary room again” tiningnan lang sya ni April at nag ismid

“ayoko sabe”

“April in my office now!” sigaw ni sir naku po! Tension! Tension na! tumayo si April dala bag nya pero imbes na sa ofiice ni sir ang punta nya dumiretso sya sa side staircase alam na…..

“miss Reyes get back here! Ms Reyes!” sigaw ni sir pero tila walang naririnig si April at tuluyan na syang umalis, pasaway talaga si April, kung andito si Dave hindi nya ito gagawin kasi si Dave naman lagi talaga napigil sa kanya kapag may kalokohan si April na gagawin

“mga kabataan talaga ngayon ang hirap na disiplinahin” dagdag ni sir

“bakit kaya di tinetext ni Dave si April?” napalingon ako kay Luigi na nagbubulat ng notebok nya hmmm…. Bakit nga kaya ah!

“nagpapa-miss?” tumingin saken si Luigi ng seryoso tapos bumalik ulit sa pagbubuklat ng notebook nya na parang may hinahanp na page na di nya makita, tumigil na sya at tumitig sa sahig

“nagbabasa ka ba ng dyaryo Nella?” huh?

“hindi bakit?”

“kaya pala”

“bakit anong meron ba?”

“nasa ICU ang president ng company ng Ricktech publishing”

“oh eh anu naman?” tumitig lang saken si Lui at yumuko saka ko lang naintindihan ng lumungkot ang mukha ni Lui,

Ikaw na Pala  I  "Their Story"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon