Chapter 42 Our Day
# April
It’s a beautiful Thursday morning! Haaaaay! Bakit ang sarap ng feeling ko ngayon hahaha, binuksan ko ang bintana ko at napasinghap ng hangin hay…..! ubo ubo ubo! Grabe naman agang aga may nagsusunog ng sukal, nagmistualng langit ang paligid sa kapal ng puting usok, hala! Baka may sunog!? Napalingon ako sa bakuran ng kapitbahay namin langya! May nagsusunog lang pala ng damo, kainis ha! Eh? Eh….!? Wah…………..! may maliit na mali……it na mali…….it na dahon yung sangang basta ko na lang itinusok sa paso sa may bintana ko,
“wah……..! may dahon na yung sanga!” nagtatakbo ako sa sala at humarap kay kuya
“kuya! May dahon na yung sanga!” kunot ang noon ni kuya na napalingon saken
“huh? nakadrugs ka ba?” ay di nga pala alam ni kuya ang tungkol sa bigay na sanga saken ni Dave
“a-haha-ha-ha hindi naman” bumalik sa pagbabasa ng dyaryo si kuya
“April…yung cellphone mong nakacharge sa kusina kanina pa tunog ng tunog” napatakbo ako sa kusina at humarap sa cp ko 13 misscalls 18 messages wah…galing lahat kay Dave, babasahin ko na sana yung isang message ng biglang tumawag si Dave sinagot ko agad
“excited much!?” bungad ko sa kanya
“takte ka! Alam mo ba kung anong oras na!?” napalingon ako sa orasan sa kusina
“alas nuebe” narinig kong napataltak si Dave sa kabilang linya
“April…..anong oras usapan natin na magkikita tayo” huh? HUH!?
“hala Dave! Nakalimutan ko!” toot toot toot eh!? Binabaan ako? Patay na! napakaripas ako ng ligo at nagbihis, hindi ko pa malaman kung anong susuotin ko kaya nataranta akong napahigit sa kahit anong damit sa durabox ko at yun ang sinuot ko kaso nung pagharap ko sa salamin gosh! Ang engot naman talaga kahit kelan April! Para akong pupunta sa children’s party nagpalit ulit ako
# Dave
Patience….patience….patience….argh! kainis ang tagal nya talaga, makaalis na nga! Naghihintay lang ata ako dito sa wala!, wala siguro syang plano na makipagdate saken kaya nakalimutan nya bwisit talaga!
“Dave!” napahinto ako sa paglalakad pero di ako lumingon, isang sapak lang basta humawak sya saken, babatukan ko talaga ito, at yun nga kumapit sya akmang babatukan ko na sya ng nakailag sya
“ahahaha sala! Sabi ko na nga ba! Babatukan mo ako eh, sadista ka talaga Dave” hahampasin ko sya sa braso nya nakailag ulit sya
“April isa lang please!”
“ahahahaha ayoko nga! Ay Dave may dahon na yung sanga” tuwang tuwa si April na nagtatatalon habang pumapalakpak sa harap ko mukha syang tanga
“akala ko talaga hindi yun mabubuhay eh, hindi kasi talaga ako nag aalaga ng halaman pero yung bigay mo saken may tumubo ng dahon ang saya saya! Ahahahahaha” ang daya! Nakita ko lang kung gano sya kasaya sa maliit na bagay na iyon nawala na inis ko, grabe lang makatawa ha parang walang bukas
“Dave!” sabay kapit nya sa braso ko,
“matagal ko na gusto itanong ito, anung halaman ba yun ha?”
“ewan ko” humiwalay sya saken
“ikaw nagbigay saken di mo alam??” I nod, dissappointed na tumitig saken si April
“tara na!” sabi ko sabay hawak sa kamay nya
“April bakit ang liit ng kamay mo?”
“kasi higante yung kamay mo!” ahahaha naiinis nga sya, mamaya babawi ako, maghintay ka lang
BINABASA MO ANG
Ikaw na Pala I "Their Story"
RomanceMatagal ng may crush si April kay Jury at ganun din si Dave kay Neya ngunit hindi to maunawaan ng mga kaibigan at kaklase nila sa pag aakalang may gusto sila sa isat-sa dahil sobra silang close, kaya naman nagpasya ang buong section na paglapitin an...