Chapter 44 Love Letter
# April
Di ako makatingin kay Dave kasi naman nakatitig sya saken, nakangiti nakahalumbaba at nakatuon sa desk nya, nakaharap saken, ano ba yan nakakailang sya ngayon
“bakit di ka makatingin saken?” tinanong pa talaga nya ha
“wag mo kaya ako titigan nakakailang kaya!”
“at bakit ka naman naiilang?” mas lalo pa syang lumapit sakin inisod pa nya yung upuan nya papalapit saken ay lalo ako naiilang
“nahihiya ka na saken ngayon?” upakan ko na kaya to? Makangiti kasi pang asar eh
“ayaw mo ako pansinin? Sige ka itutuloy ko talaga yung pustahan natin nung new year” 0_0! …..Hmmft
“sige ba! Matakot ako! Kala mo naman mapagselos mo ako”
“sige padamihan na lang tayo ng puntos, tanda mo pa ang premyo?”
“oo naman di ako ulyanin no!”
“walang iwasan ng tingin ha, kapag umiwas ka ng tingin ibig sabihin nagseselos ka na”
“fine, fine,”
“ok game” 0_0? Biglang tumayo si Dave at humarap kay Moxie at tumitig dito, nginitian nya yun at natuod sa harapan nya si Moxie
“hi Moxie”
“he-hello….” Sabi ni Moxie Biglang tumingin saken si Dave tinaasan ko lang sya ng kilay haha kala nya apekted ako? Neveh! Napatayo ako ng bigla ng halikan nya sa pisngi si Moxie nagulat din si Moxie sa ginawa nya
“hoy kumag ka! Anu yung ginawa mo ha!” sigaw ko habang duro duro sya
“jealous already?” ngumiti sya saken -_- lumapit tapos iniharap saken yung kaliwang pisngi nya habang turo turo ito
“kiss ko….” Tsk!
“wala! Madaya ka!”
“eh? Anung kinadaya ko dun?” ih….nakakainis kailangan pa talaga nya manghalik ng iba para pagselosin ako!? Bwisit ah! kahit na naglalaro lang kami nakakinis pa rin, binatukan ko sya ng malakas
“takte ka! Bawal yun”
“wala ka naman sinabing bawal yung ganun eh”
“eh kung ikaw kaya kapag humalik ako sa iba hindi ka magagalit ha!?”
“hindi” argh! Tinalikuran ko sya at umupo sa upuan ko nakakaiyamot
“laro lang naman eh kaya di ko seseryusohin yun”
“baliw ka Dave hindi mo ba alam na may crush sayo si Moxie” sabi ko ng di natingin sa kanya
“oh talaga!?” tuwang tuwa ang tono ni Dave kaya napalingon ako sa kanya nakita kong nilapitan nya ulit si Moxie at kinausap ito, tatawa tawa syang napakamot sa ulo nya may sinasabi sya kay Moxie at si Moxie nakangiti lang sa kanya, maya maya bumalik na sya sa tabi ko
“anung pinagusapan nyo?” tumingin saken ng makahulugan si Dave
“secret, kiss mo muna ako saka ko sasabihin sayo” mukha mu! Hindi ko sya pinansin, napaiktad ako ng sundutin nya tagiliran ko malakas kiliti ko dun
“April yung kiss ko” napaiktad ulit ako nananadya na ito
“isa! Dave syaka!” kiniliti nya ulit ako, tumayo ako pero hinigit nya ulit ako paupo
“April ang daya mo ha! Paparusahan kita tamo” tinitigan ko sya ng masama
“ayoko! Ikaw ang madaya kainis ka!”
BINABASA MO ANG
Ikaw na Pala I "Their Story"
RomansaMatagal ng may crush si April kay Jury at ganun din si Dave kay Neya ngunit hindi to maunawaan ng mga kaibigan at kaklase nila sa pag aakalang may gusto sila sa isat-sa dahil sobra silang close, kaya naman nagpasya ang buong section na paglapitin an...