Chapter 11 Revealed

10 0 0
                                    

Chapter 11 Revealed

# Dave

                Ang ganda ng gising ko ngayong umaga kasi ang ganda ng panaginip ko kaya excited akong pumasok ngayon dumaan ako sa bulletin hall ang dami na namang bagong pictures namin, nakita na kaya to no April? Malamang hindi, napatitig ako sa isang picture namin ni April nakangiti sya saken at ako ay nagbabasa lang ng aklat kelan kaya to, di ko to alam ah, pumunta ako sa room para tanungin sya madami ng tao sa room as usual maingay, dumiretso ako sa upuan ko di ko alam kasunod ko na pala si Jake

“pare gusto mo ng katext?, hindi ko na kasi masakyan trip nitong babaeng katext ko gusto mo ikaw na lang makipagtext sa kanya?”

“ayoko”

“pare, masaya naman sya katext kaso nanawa na ako eh kaya sayo naman sana kasi nakakaguilty na di ko na sya mareplyan kaya bibigyan ko na lang sya ng ibang katext”

“hindi ako interisado”

“pare subukan mo lang” ngayon ko lang ata nakitang seryoso ang playboy na to

“ok” sinave nya sa phone book ko yung number at pinangalanan nyang “txtm8”

“ano bang pangalan nito?”

“itanong mo sa kanya” at iniwan na ako ng kumag

                Nagbell na at start na ang klase, actually walang klase seatwork lang, napansin ko lang lahat sila as in lahat sila ay patagong nagtetext sa ilalim ng desk nila, mga pasaway, dun ko lang napansin na wala pala akong katabi, wala si April, wala si April?, wala si April! Absent!?,nakalimutan ko na na may itatanong ako sa kanya si Jake kasi eh! hindi ko napansin na wala si April palibhasa kasi kapag absent yun panay tanong saken ng mga classmate ko, pero ngayon ni isa walang nagtatanong baka naman di sya absent may nag excuse lang, tiningnan ko upuan nya wala yung bag nya

“asan si April?” tanong ko sa lahat, walang sumagot ni lumingon wala busy silang lahat sa pagtetext, kinulbit ko si Luigi na nasa unahan ko

“pre si April?” nagkibit balikat lang sya abat! Pinagkakaisahan na naman ba ako ng klase? Tumayo ako at hahanapin ko sya ng mapansin kong wala si Mori, baka magkasama sila “tsuk!” eto na naman ang bwisit na natusok sa dibdib ko magpapacheck up na nga ako bukas, lumabas ako para hanapin ang dalwa baka nasa likod sila ng classroom at tama ako! “tsuk!” “tsuk!” nakita ko lang naman sila, nakahiga si Mori sa hita ni April habang nagtetext uso ata talaga ngayon ang may katext at si April nakaupo at nagbabasa, nagkwekwentuhan ata sila kaya lumapit ako, buti di nila ako napansin, me gusto nga pala tong si Mori kay April “tsuk!” nakakacurios tuloy kung anong pinag uusapan nila

“ah….rejected ka pala kaya nagmumuni muni ka na naman dito”

“uhm!” tumango si April

“sabi ko naman sayo wala kang pag asa ke Jury eh” huh? Nagtapat na din si April kay Jury uso din ata ngayon na babae na ang nagcoconfess, todo txt pa rin si Mori

# Mori

                Send to many > group > classmates > send. Ok updated na sila sa usapan namin ni April at nalaman ko din na hinahanap ni Dave si April at lumabas ng room ng walang sumagot sa kanila ng magtanong si Dave kung nasan si April, ang galing talaga mag isip ni Prez. Mary ng tactics haha pakiramdam ko tuloy kami ay isang match maker group hahaha isipin nyo na lang buong klase magkakasabwat

“Mori… nakikinig ka ba?”

“oo naman, sabi ko sayo eh di dapat minamadali yan tuloy, baka kasi di pa nya narereliaze na gusto ka din nya” hindi ko narinig yung sinabi nya

Ikaw na Pala  I  "Their Story"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon