Chapter 47 Sudden Visit
# April
First time sinundo talaga ako ni Dave samen, hindi yung tipo na maninigaw sya sa harap ng bahay namin ng “hoy lumabas ka April, iiwanan na kita bahala ka jan” ngayon iba eh akalain mo bang tahimik lang sya nag iintay saken sa sala habang nag aasikaso ako sa pagpasok, parang boyfriend ko na talaga sya, matagal na kaming nagkakasabay pumasok pero iba ngayon, ang gentleman nya bigla
Naglalakad na kami papuntang school nakakailang kasi kapit nya kamay ko, pakiramdam ko nga namamawis na palad ko eh, mas nakakailang pa kasi walang umiimik samen ang awkward tapos kapag titingin ako kay Dave nakaporkerface lang sya diretso ang tingin at di natingin saken, anong meron sa kanya ngayon?
# Dave
Grabe ganito pala kapag sineryoso ko talaga relationship namin ni April, nakakaillang, pakiramdam ko namamawis na kamay ko, gusto ko na sana bumitaw kaso ayoko, ayoko ng bitawan ulit sya mahirap na, siguro kung titingnan kami sa malayo halata na kami na talaga ni April, nakakahiya kasi pinagtitinginan kami ng mga estudyante ng BCA ng pumasok kami sa gate at hindi pa kami nagbibitaw may mga naririnig pa nga akong bulungan
“sila pala talaga”
“matagal na nga silang nagkakasama di ba”
“dapat lang naman na sila ang magkasama mas bagay sila kesa kay Jury at Neya” napatigil si April sa paglalakad at tumingin sa mga babae na nagbubulungan, bulong pa ba yun? Parang parinig na kasi eh, hinigpitan ko ang hawak sa kamay nya at tinaliman ko sya ng tingin
“wag mo na patulan, babae yan” ngumiti si April
“hindi ko naman sila papatulan eh, papalinawagan ko lang sila ang galing kasi nila magkapagdescribe ng iba tao hindi na lang nila intindihin yung buhay nila” ako naman ang ngumiti
“inggit lang sila kasi wala silang bagayan na partner sa buhay nila, pabayaan mo na” hinila ko na sya at dumiretso na kami sa room
Ganito ang karaniwang scene sa aming room tuwing umaga, syempre maingay ang buong klase, papasok si April, babati ng pasigaw may ibang lilingon may ibang dedma lang ( sanay na ) tapos ako naman ang papasok kasunod ni April, pagkaupo ko dadaldalin na ako ni April habang ako dedma lang sa kanya kasi nagbabasa ako, pero ngayon nag iba ang daloy ng hangin, pagpasok ni April sa room hindi nya binati ang klase, kasi pagpasok namin nakatingin na samin lahat tapos yung mga itsura nila parang nakakita ng multo, nakangangang habol tingin samin ni April hanggang sa makaupo kami saka ko palang binitawan kamay nya, SILENCE……… wala talagang naimik………(huni ng kuliglig) silence…..
“anong problema nyo ha?” sabi ni April sabay tingin sa buong klase, pero ni isa wala pa ring naimik
“eh….mag shota na nga pala talaga sila”
“parang nakakailang na sila tingnan ngayon ah”
“anong nakain nila at gumagaya sila sa love birds ng II-C?”
“parang mas gusto ko pa na lagi silang nagbabangayan”
“hoy naririnig namin bulungan nyo ha” kainis tong mga to, dati kung mapaglapit kami wagas ngayon na ganito na kami makapangtsismis wagas
“ano naman kung ganito kami ngayon?” tanong ni April sa klase
“nawala na kasi yung makulit at pasaway na April eh……namimiss na namin sya”
“dinakip na ata si masayahing April ni Masungit at pacool na Dave” pacool ah! sadya akong cool no!, nagkatinginan kami ni April
“ahahahahahahahahaahahaha,” nagkasabay kami ng pagtawa ni April
BINABASA MO ANG
Ikaw na Pala I "Their Story"
RomanceMatagal ng may crush si April kay Jury at ganun din si Dave kay Neya ngunit hindi to maunawaan ng mga kaibigan at kaklase nila sa pag aakalang may gusto sila sa isat-sa dahil sobra silang close, kaya naman nagpasya ang buong section na paglapitin an...