Chapter 35 April's Past

8 0 0
                                    

Chapter 35 April’s Past

# April

                Nakakainis na si Dave! Lagi na lang sya negative mag isip madali akong maiyamot sa mga ganung tao hindi kasi ako yung tipo ng tao na icocomfort yung mga klase ng tao na nagpapaka-emo, ayoko ng drama dahil puro drama naranasan ko nung elementary ako sawa na ako dun at ayoko na balikan, kaya naman heto ako ngayon nakikigulo sa tropa ayoko muna sumama kay Dave, puro sya isip ng isip ng isip sa future, kakarimarim na

“April ang ingay mo tumahimik ka naman kahit saglit nakakarindi ka na ay!” angal ni Jake

“makapagsalita parang di sya maingay” komento ni Luigi

“hmmp! Palibhasa kasi ikaw taga tawa ka lang” - Pinky

“April bakit di kayo magkasabay ni Dave?” tanong ni Prez. Mary

“Fatima bakit pinakulot mo na buhok mu?” iwas ko sa topic tapos tumakbo ako sa kanila ni Mori gumitna ako sa dalawa at iniwan silang nakanganga

# Dave

                Nagsitingan sila saken sabay sabay pa, bakit kaya hinihintay nila akong makalapit sa kanila

“nag away kau?” agad na tanong saken ni Prez. Mary

“ha? Nino?”

“nino pa eh di ni April” natameme ako

“ewan ko dun di ako pinapansin eh, bahala sya”pero sa totoo lang nag aalala ako kasi nagtatampo talaga sya saken this time

“LQ?” tanong ni Luigi, hindi ko na lang sila pinansin at nauna na maglakad sa kanila nakita kong magkakasabay maglakad sina April, Mori at Fatima, sige magsama sama sila!

# Prez. Mary

“mukhang iba to ngayon ah!” – Jake

“hindi lang to simpleng tampuhan”- Pinky

“kung simpleng tampuhan lang ito malamang nagsisigawan sila, hindi katulad ngayon na pareho silang walang imik”

“ano kayang nagyari?” - Luigi

“ok naman  sila kanina di ba?, magkasabay pa nga sila maglakad eh”- Marinella

“may “can I borrow my girlfriend” scene pa nga eh” – Jake sabay sabay kaming napabuntong hininga

“yaan nyo na, sila ng bahala sa isat isa tutal tampuhan naman nila ito eh” sabi ko at naglakad na kami

                Nagtataka ako kung bakit kailangan pa namin pumunta sa ibang resort eh may resort na naman kaming pinag-stay-an, pero ok lang bago tong pinuntahan namin, mas malawak mas maganda pero walking distance lang sa resort na pinanggalingan namin, halatang pang mayaman ang lugar sa mga damit pa lang ng mga tao sa mga nagseserve sa kanila sa ganda ng lugar, nakakamangha, pero nawala yun lahat ng mahulog sa pool si April, malalim yung pool at di marunong lumangoy ang babaeng yun, buti na lang malapit si Dave at malapit lang sa gutter ng pool si April kaya hinigit lang sya ni Dave paahon ng pool di ko alam kung bakit tatanga tanga na naman si April

“what was that about nananadya ata yung babaeng yun eh sino bay un teka nga at magannutan!” sabi ni Pinky habang nakaturo dun sa papalayong babae, matangkad maputi at sexy, ewan lang kung maganda kasi nakatalikod samen kaya di ko nakita ang mukha

“no wag!” sigaw ni Fatima na parang nate-tense, si Mori nakakunot lang ang noo at nakatitig sa papalayong babae tapos tumingin sya kay April, hindi pa rin nag iimikan sina April at Dave, napansin kong nangangatal ang mga kamay ni April

Ikaw na Pala  I  "Their Story"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon