Chapter 49 Goodbye

7 0 0
                                    

Chapter 49 Goodbye

# April

“I remenber how we kiss used to feel it on my lips the time that you dance with me with no music playing I remember those simple things we talk till we cry you said that you’re biggest regret the one thing you wanna to forget is saying goodbye….” Binato ako ni kuya ng bote ng mineral

“aray! Masakit ah!” tumahimik ka na naririndi na ako sayo! Nakain si kuya ng umagahan at akoy nagsusuklay sa harap ng salamin

“nag aalis lang ako ng masamang aura, umaga pa naman , pagbigyan mo na ako kuya”

“at ano sakin mo pinapasa yang masamang aura mo? Umalis ka nga nga! bakit ba kasi ang aga mo ngayon?”

“hindi ako maaga kuya tinanghali ka lang talaga!” lumabas na ako ng bahay, nakangiti akong nagllakad palabas ng barangay maya maya hindi na ako masaya hindi ko na maitago ang feelings ko miss na miss ko na ang kumag na yun!

                Ang tagal ng di ko nakikita si Dave, magta-tatlong linggo na ata, sa lunes recognition na namin takte! Talagang di man lang nagpaparamdam eh! Miss na miss ko na sya, habang naglalakad kumakanta ako kung ano lang maisip kong kantahin

“pwede mo naman ako itext! Pwede ka rin namang tumawag, pwede mo rin naman ipasabi kay manong ogag, pero bigla ka nawala para kang naging bula, pluk! Ayun! Nawala! Bigla kang nawala, sana nagpasabi ka man lang hindi ganto wala akong alam! Ang dali kayang magsabi ng babay ang dali kayang magsabi ng babay, ang dali kayang magsabi ng babay! B.A.B.A.Y! Ang dali kayang magsabi ng babay ang dali kayang magsabi ng babay, ang dali kayang magsabi ng babay! B.A.B.A.Y!” hay! Di ko na alam ang sunod!

Nagbibilang ako ng hakbang ko bago makarating sa school, wala lang trip ko lang pang alis sa kanina ko pang iniisip ayoko na mag isip ng mag isip napatigil ako sa paghakbang at pagbibilang tsk! Ano nang bilang na? hay! Tumunghay na ko ayoko na magbilang nakakabaliw to, bakit parang ang tagal ko makarating sa school, kapag kasabay ko naman si Dave ang bilis, ( Dave na naman) ayoko na talaga! Ano pa bang pwede isipin bukod sa kanya, nasa kalagitnaan ako ng pag iisip ng may tumigil na itim na kotse sa may kaliwa ko at bumukas ang bintana sa may passenger seat

“oi tres baby! Kamusta na? wag mo sabihing di mo na kami tanda?” lumabas sa kotse yung tatlong lalaki na pamilyar ang mukha, wala ako sa mood makipag usap sa di ko kilala kaya nagpatuloy ako sa paglalakad

“asan si Dave bakit di mo ata sya kasama ngayon?”

“dude! Mukhang totoo nga na nagdedeliryo na tatay nya! Hahahaha” nagpantig tenga ko sa narinig binalikan ko sila at tinalasan ko ng tingin aambagan ko na sila ng suntok ng maglapitan sakin yung mga naglalakihang lalaki at nagsihara sa tatlo, bodyguards? Ha! Tinalikuran ko na sila buti at nagdala sila ng bodyguards baka sa ospial sila pulutin ng mga magulang nila

“oi babae di pa kami tapos sayo!” sumugod sakin yung isang lalaki at akma akong hahawakan ng inaliman ko sya ng tingin yung tingin na warning na papatay talaga ako kapag hindi sya tumigil pati yung mga bodyguard napahinto din sa tingin ko

“kung gusto nyo makipaglaro pagbibigyan ko kayo! Pero wag na wag nyo idadamay ang walang kinalaman kundi…..” mangyayari sa inyo ang nangyari kay Deira noon, tumalikod na ako sa kanila at iniwan silang natuod duon

“anong klaseng babae sya” narinig ko pang sabi nung isa

# Marinella

                Ako lang ba ito o sadyang napapaligiran si April ng maitim na aura, kanina pa ito simula ng pagpasok nya sa room, katakot

“ano kayang nangyari?”

“malay ko bat ako tinatanung mo”

“tanungin mo kaya?”

Ikaw na Pala  I  "Their Story"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon