Chapter 33 Sembreak
# April
Urgh! Kainip……ano pa bang pwedeng gawin bukod sa baseball at playstation ha…..y! di na ako makapunta basta basta kay Dave nalaman kasi ni Kuya na kami na ni Dave daldal kasi ni Mori, ayan namura na nasermunan pa ako kainis kaya naman eto ako ngayon nakahiga sa sahig nagbibilang ng botugs sa bubong namin ang init init makalabas nga muna, pagkabukas ko ng pinto
“eh!?” napalingon ako sa paligid baka anjan si Kuya
“wala ang kuya mo nagpaalam ako na isasama kita sa bakasyon namin ni mama, pumayag naman si kua mo kaya ok na, mag impake ka na one week tayo dun kasama ang buong barkada” wah…….ang saya nun! Wait!
“pano ako pinayagan?”
“bakit naman sya hindi papayag?” dire-diretso sya pagpasok sa bahay ko
“April…….” Kakaway kaway saken si Pinky na bumaba sa puting van at buo ang tropa kasama si Tita Diana wah……! Si tita Diana! naconcious ako bigla tatakbo ako papasok sa bahay
“Dave! Andito na pala si tita!”
“so?”
“so ka jan!”
“bilisan mo na ng makaalis na tayo” nagsipasukan na sila sa bahay ko nagtatakbo ako sa kwarto ko gosh! Nakakahiya! Di ko tuloy alam gagawin ko….tok! tok! Tok!
“bakit?”
“gusto mo ba bihisan na kita para mas mabilis?”si Dave yun
“tarantado!” naisigaw ko napatakip ako sa bibig ko andito nga pala si tita Diana…..kainis!
Paglabas ko sa kwarto nakatingin sila lahat saken lahat sila as in tapos nakanganga sila bakit? Kasi ang ganda ng suot ko hehe echos! Di ko din alam sa mga ito kung bakit ganto sila makatingin
“himala April ayos ka magdamit ngayon” - Marinella
“andito kasi si tita” – Prez. Mary BULLSEYE!! Napatungo agad ako
“tara na excited na ako!” Sigaw ni Pinky nagsitayuan na sila si Dave hinihintay ako
“asan ang mga bagahe mo?” ngumuso lang ako sa tabihan ko kinuha ko yung sling bag ko at kinuha ni Dave yung malaking bag at sya na nagbitbit nun, nakita ko si Tita Diana nakangiti kay Dave tapos sinungitan lang sya ni Dave, napakabait na anak! Saken naman tumingin si Tita…… ih! Nagtayuan balahibo ko, para akong natuod sa kinatatayuan ko lumapit sya saken
“hija walang ilangan ha” wah….ngumiti si Tita napangiti din ako nakakahawa kasi ngiti nya
“oi! Bilisan nyo na jan ano ga!? Ang init kaya!” sigaw ni Dave
“tara na?” aya saken ni Tita I just nod speechless ako sa bait ni tita Diana walang wala si Dave sa mama nya
Pagpasok namin sa van….dapat ba may pattern ang upuan? Syempre wala kaya syempre di ko na babanggitin sitting arrangement namin joke! Babanggiitin ko pa din hehe…si Dave nasa unahan katabi si Luigi na katabi syempre si Marinella sa likod nila ay kami ni Pinky at Jake sa likod namin si Mori at Prez. Mary, naku magkasundo talaga silang dalawa tapos si Tita Diana katabi yung driver nila si manong Ogag na taga block 1 ng barangay iskwater naarkila ni Dave kahapon, mahaba ang byahe at halos makatulog na kami nakikita kong sinisilip ako ni Dave pero ako snob kunware hehehe
Nang makarating kami sa place grabe! Ang lawak ng lugar…joke! Simple lang yung lugar di ka nga maliligaw eh, may billiaran tapos tatlong kwarto na magkakasunod, dalwang kubo at sa labas ng gate ay dagat na meron pang kubo na nasa gitna mismo ng bay, merong videoke at dalawang shower room de aircon ang bawat kwarto at kumpleto sa gamit, may tour jeep pa kami hahaha, pagkapasok namin sa kwarto napahiga agad kaming apat nakakapagod ang byahe tok tok tok napatingin kaming apat sa pinto ng kwarto
BINABASA MO ANG
Ikaw na Pala I "Their Story"
RomanceMatagal ng may crush si April kay Jury at ganun din si Dave kay Neya ngunit hindi to maunawaan ng mga kaibigan at kaklase nila sa pag aakalang may gusto sila sa isat-sa dahil sobra silang close, kaya naman nagpasya ang buong section na paglapitin an...