Chapter 37 November 1

6 0 0
                                    

Chapter 37 November 1

# April

                Boring…….kasama ko ngayon si Kuya June sa sementeryo dinadalaw namin si Papa araw ng mga patay ngayon eh, nakakainis tapos na agad ang bakasyon namin sa resort nina Dave pero ok lang sulit namin eh, ang saya namin at talagang inenjoy namin ang mga araw namin dun kasama si Fatima

“kuya tayo na umuwi wala na naman tayong gagawin dito eh”

“maghintay ka! Minsan na nga lang natin dalawin si Papa, lagot ka naman sa kanya”

“maghintay? Sino namang hinihintay natin dito?” biglang may dumating na sopistikadang babae kahit nakapantalong maong eh halata mong mataray ito umupo sya sa harap ng puntod ni Papa at ibinaba dun yung dala nyang basket ng bulaklak nagsindi din sya ng kandila at itinirik yun

“Kamusta na kayong dalawa?” tanong nung babae sabay harap saken

“tinatanong pa ba yan, malamang ok lang kami” sagot ko ang babaeng nasa harapan namin ngayon ni Kuya June ay ang babaeng umiwan samen nung mamatay si papa at ng malugi ang kumpanya at ako ang sinisisi nya kung bakit nangyari yun dahil sa insidente ko nung elementary ako

“ganyan ka ba talaga makipag usap April?”

“wag kayong ganyan sa harap ni Papa, April….Mama, wag ngayon andito tayo para magdasal para kay Papa” natahimik kaming dalwa ng aking ina, mas lalo ko tuloy gustong umuwi

“aalis muna ako bibili akong softdrinks” di ko na kaya ang tumabi sa babaeng yun, umalis ako at lumabas sa sementeryo yung mga nagtitinda ng kandila at bulaklak nagtindahn natin ng mga pagkain at inumin, bumili ako ng softdrinks at umupo sa ilalim ng puno maraming taong pauli uli, kanina nakita ko yung ibang mga kaklase ko, nakakainip….

“ah!” may nambato saken masakit ha! Bato kaya yung ibinato saken

“aray!” abat padalawa na yun ah” hinahanap ko kung sino yung nambabato saken pero di ko Makita

“ouch!” napatayo na ako mas malaki na yung baton a ibinato saken takte! Pag nakita ko yun gaganti talaga ako, nakita kong mga bata nagtatakbuhan at binelatan ako huh! Ako pa talaga napili nilang pagtripan, pasalamat sila mainit ngayon tinataad akong gumalaw, habulin ko ba sila? Wag na walang kwenta, napaupo ulit ako sa ugat nung puno

“pasensya ka na makukulit talaga ang mga yun” eh! May katabi na pala ko dito, batang babae wari ko mas matanda ito dun sa mga nambato saken kanina nakakgitla sya eh di ko kasi sya napansin

“nasa lahi na talaga namin ag makukulit, mahirap madisiplina” wow ang mature ni ineng

“ilang taon ka na?”

“ten” oh….pwede na…eh? Pwede na san?

“ikaw ate ilang taon ka na?”

“eh…..14”

“hindi halata ate parang nasa elementary ka pa lang” ay….! Ganun!! Hmmft!

“taga TIME ka din po ba? Para kasing familiar ang mukha nyo kaya nilapitan ko kayo, yung mga nambato sa inyo kanina mga pinsan ko po sila, pagpasensyahan nyo na”

“bakit mo naman ako napagkamalan na taga TIME?”

“ang ganda nyo po kasi” eh!!? Ahahaha hindi naman eh ih…..gusto ko na tong batang to

“joke lang po” ay mababatukan ko ito! Promise!

“para po kasing nakita ko na kayo sa school dati” ah…..sabi nga nya familiar daw face ko

“ah! tanda ko na! ahahaha yun pala yun, nakita ko na yung picture nyo sa list ng mga popular students sa TIME nung elementary pa kayo, pinapatapon na nga yung mga listhan na yun, puro picture nyo nasa rank 1 ang galing nyo pala po” ah….stop reminding me of how I used to be

Ikaw na Pala  I  "Their Story"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon