Chapter 9 Future
#April
My god! Help me….hindi ko alam ang isasagot, naman! Bakit puro identification test namin walang multiple choice, ang hirap naman eh, napalingon ako sa kanan ko sa may bandang pintuan nasa may bandang bintana ako at napakalayo ko ke Dave dirediretso pagsasagot si Dave kainis naman sino ba kasing nagpauso ng alphabetical order ang sitting arrangement, lumingon saken si Dave, sumenyas sya ng nakatalikod na si Sir…… l-o-w-b-a-s-i-s-n-u-m-b-e-r-f-o-u-r ngumiti sya yey! Number four low basis, akalain nyo yun saulado ko ang sign language, lord thank you hindi na ako zero sa test na tu hahaha
“ms. April anung tinitingala mo jan? may kodigo ba sa ceiling?” sabi ni sir nagtawanan lahat ng pigil
“ay naku sir hindi nyo lang alam kung gano kahirap test nyo nagdadasal na ako” napalakas ang salita ko hindi na napigilan ng lahat at tumawa sila ng hagalpak. Natapos ang dalawang araw ko ng paganun ganun at salamat naman tapos na ang panglilimos ko ng awa sa nakatabi ko sa mga test namin at heto another day na naman at tapos na periodical exam kumpleto kaming naglu-lunch ng barkada
“kamusta naman ang paglalakbay sa hell April?” tanong ni president ng class si Mary
“nakakagutom po” ang ibig sabihin ni Mary sa hell eh ang periodical test
“kaya pala nabawi ka ngayon” – Pinky
“ang tahimik nyo boys” sita ni Marinella walang sumagot nakain lang sila
“wala sila sa mood” nakita ko si Neya na nakatingin kay Dave habang nakain tumayo si Dave tapos na pala sya tumayo din ako at sumabay sa kanya sa pag inom sa faucet nakita kong nakatingin pa rin si Neya this time saken sya nakatingin at halata na pinagbabantaan nya ako, kumapit ako sa braso ni Dave at dumikit pa ng konte haha payback time Neya humanda ka
“minamanyak mo ata ako April”
“oo kaya tumahimik ka dyan kung ayaw mong reypin kita!” bulong ko sa kanya, nakita kami ni Luigi habang dala nya yung dalwang baso ng tubig para kay Marinella yung isa
“ehem! Ano yan?” tinaliman ko sya ng tingin at umiwas na samin
“oi April bitaw na di ako makakakuha ng tubig eh” binitawan ko sya
“ikuha mo din ako huh” pacute kong sabi tumawa lang si Dave, pagkakuha ni Dave ng tubig binigay nya saken yung isang baso kinuha ko tapos kumapit ulit ako sa braso ni Dave tumingin ako kay Neya at tinaasan ko sya ng kilay tumayo sya at nagwalkout iniwan nya mga kasama nya, ahahahahahahaha success!! Tiningnan ko si Dave bumitaw na ako sa kanya nakatingin kasi sya saken ng matalim
“oi April anong trip mo huh! Para kang baliw kung makangiti ngayon eh, uminom ka ba ng gamot mo huh? Lakas ng tama mo ngayon eh”
“nakalimutan ko eh, hahahaha”
“hala! Punta kana ng clinic!”
BINABASA MO ANG
Ikaw na Pala I "Their Story"
RomanceMatagal ng may crush si April kay Jury at ganun din si Dave kay Neya ngunit hindi to maunawaan ng mga kaibigan at kaklase nila sa pag aakalang may gusto sila sa isat-sa dahil sobra silang close, kaya naman nagpasya ang buong section na paglapitin an...