Chapter 13 Their Sides
# Neya
Hay! Ang sakit na ng balikat ko minasahe ko ito ng konte at napatingin ako sa orasan 6:30 na pala, walang pasok ngayon, nagkaroon ng teachers conference ang school biglaan nga eh kaya kahit nasa gitna ng preparation para sa search eh nagkaron kami ng isang araw na bakasyon, wala pa akong tulog at di pa ako tapos na icompile ang mga gawain ko sa sports committee nakapagod na ang pagiging president si Jury kasi naturingang vice president hindi marunong tumulong “kring! Kring!” may narinig akong busina ng bike at alam ko na kung sino yun, lumabas ako sa veranda ng kwarto ko at lumingon sa baba nakita ko si Jury nakasakay sa bike at todo ngiti saken, magkapit bahay lang naman kami sa isang high class na subdivision
“Good morning!” napakunot ako ng noo
“alam mo ba kung anong oras pa lang ha?”
“alam ko! At alam ko din na busy ka pero bumaba ka dito ngayon dahil kailangan kita” hmmft! Eto na naman sya sa line nyang kailangan kita, lumabas ako ng bahay at hinarap si Jury, naiinis ako pero kailangan daw nya ako, nakatingin lang ako sa kanya
“anung kailangan mo?” ngumuso sya sa likuran nya
“angkas ka dali bike tayo punta tayong park”
“busy ako” tinitigan nya ako yung titig na nakakailang, wala akong nagawa kundi umangkas sa likudan nya , papadyak na sya sa pidal ng kunin nya mga kamay ko at iniyakap sa bewang nya
“kapit” matipid nyang sabi, naiilang na ko, hindi na ako sanay dati kahit yapusin ko sya ng mahigpit ok lang pero ngayon iba na, maluwag lang ang kapit ko sa kanya, sigurado naman akong di ako lalaglag sa sobrang bagal nya magpidal
“nasa buwan ba tayo Jury? Ang bagal mo magpidal”
“baka kasi mahulog ka hindi ayos ang kapit mo” badump! Ay syete! Katulad pa rin sya ng dati concern sya saken, alagang alaga nya ako kapag magkasama kami, pero bakit sa school iba pakikitungo nya saken, hindi na ako nakaimik kasi naman nahihiya na ako, pagdating namin sa park kinapitan nya kamay ko at hinila ako sa swing umupo sya sa kabilang swing
“namiss ko to” napalingon ako bigla sa kanya
“namiss kita” nakatingin lang sya sa malayo habang sinasabi yun
“ang corny mo ngayon ah” hindi sya sumagot ang awkward, kung alam lang nya kung gano kabilis heart beat ko ngayon
“kamusta kayo ni Dave” ay biglang ganun?
“walang kwenta” mahina kong sabi hindi sya sumagot, ramdam kong nakatingin sya saken kaya tumungo ako at pumadyak para mai-ugoy ko sarili ko
“mabait naman sya, lagi syang nauuna sa usapan namin kapag magkikita kami, sinusunod nya ako, pero parang literal lang lahat, parang normal lang sa kanya” ganun din naman ako, gwapo si Dave pero di ko sya gusto,
“gusto mo pagsabihan ko sya para sayo?”
“OA mo, di na kailangan yun”
“nakakainis lang na ganyan expression ng mukha mo habang kinekwento mo sya saken”
“ok lang wala naman saken yun eh” wala lang talaga saken si Dave etong katabi ko ang iniisip ko, narinig ko syang magbuntong hininga, tumayo sya at humarap saken nakapamulsa sya at seryoso ang mukha
“kung di ka sasaya sa kanya…..ibreak mo na lang sya, nandito naman ako eh” dugudugdugudug eh?
“pasasayahin kita…..were friends right? Kaya dapat pasayahin mo din ako tulad ng dati nung mga bata pa tayo” plak! Saklap naman rejection ba ito? Napatayo ako sa inis pero di ko pinahalata ngumiti ako sa kanya, ngiti na katulad ng dati
BINABASA MO ANG
Ikaw na Pala I "Their Story"
RomanceMatagal ng may crush si April kay Jury at ganun din si Dave kay Neya ngunit hindi to maunawaan ng mga kaibigan at kaklase nila sa pag aakalang may gusto sila sa isat-sa dahil sobra silang close, kaya naman nagpasya ang buong section na paglapitin an...