Chapter 46 Valentines

9 1 0
                                    

Chapter 46 Valentines

# April

                Andito ako sa school at bagot na bagot na! absent si Dave himala at absent yun ano kaya nangyari dun? Maitext kaya? Wala akong number nya atwala akong load, bakit nga ba wala akong number nya? Kasi taga block 2 lang sya ng barangay iskwater imbes na magpaload ako pa ako para itext sya eh pinupuntahan ko na lang sya kapag may kailangan ako, kainis naman! Inip na ako ditto, kahit kelan talaga nakakantok magturo si Mam Adunay

“oi April, buhay ka pa ga? Umimik ka naman jan, antok na ang buong klase oh!” angal ni Luigi

“ano namang palagay nyo saken, alarm clock? Clown?”

“walang kwenta talaga si April kapag wala si Dave” makapagsalita tong mga to!

“guys konting tiis na lang patapos na si Mam” sabi ni Prez. Mary

“Class, naririnig ko kayo, pwede kung pag uusapan nyo ako yung di ko maririnig ha….”

                Kring…..!napaunat kaming lahat sa upuan, konti na lang mamamatay na kami sa bagot, salamat naman tapos na ang klase at ayoko nan g nangyayari ditto sa school puro mga naglalandiang couples sa classroom, hallway, canteen, gym pati library! Palibhasa valentines hmmft! Naiinggit ako bakit ba kasi ngayon pa umabsent ang mokong kong boyfriend, kaso kahit naman nandito yun wala rin eh walang wala si Dave sa mga diskarte ni Luigi, moves ni Mori at banat ni Jake, argh! Makaalis na nga ditto makapag cutting na lang san naman ako pupunta nito?

                Sa wakas napilit ko rin ang sarili ko na puntahan si Dave sa apartment nya, kasi naman nagdadalwang isip ako kung pupuntahan ko sya o hindi, ang hirap lang kasi mag isip ng dahilan kung bakit ko sya pupuntahan pero kailangan talaga lagi may dahilan? Kaya heto ako sa harap ng pintong apartment ni Dave, ok! Hinga ng malalim, katok April, katok! Akma na akong kakatok ng bumukas bigla ang pinto at bumungad saken si Dave na tila bagong gising, gulo ang buhok, nakasandong puti at short na maluwang, nagulat sya ng makita ako

“anong ginagawa mo dito?” oh di ba sabi ko sa inyo kelangan talaga lagi may dahilan eh, anong sasabihin ko ngayon sa kanya?

“ahm….binibisita ka? Hindi ka kasi pumasok kanina, may sakit ka ba?” akma kong kakapitan yung noo nya pero I change my mmind hindi ko sya abot eh ang tangkad kaya nya

“wala! Pwede ka ng umalis” eh? Pinapalayas nya ba ako? Isasarado n asana nya yung pinto ng pigilan ko sya

“wait! Bakit absent ka?”

“tinanghali ng gising” mukha nga, tinulak nya ulit yung pinto para isara pinnigilan ko ulit sya

“away mo ba ako makita? Bakit pinagtatabuyan mo ako?”

“korni mo layas na may gagawin pa ako” at yun tuluyan na nya akong pinagsarhan ng pinto, tatalikod na sana ako ng bumukas ulit yung pinto

“ka-kakagising ko lang kasi ……at at ang sama ng itsura ko nahihiya akong humarap sayo” ahahaha ang cute ni Dave! Tinulak ko sya paloob at pumasok ako sa apartment nya

“tanga mo Dave! Tagal na tagal na kitang nakikitang ganyan, ngayon ka pa nahiya ah” napakamot sya sa batok nya

“dito ka muna, maliligo lang ako” tumango lang ako ng di lumilingon sa kanya busy ako sa pagkakalkal ng mga bago nyang libro sa istante

                “falling inlove is like, knowingly drinking a poison, you are aware of a bad thing that might happen to you but you are willing to take the risk ang feel the pain just to fight for your feelings, though the end may occur you have no regrets knowing you may feel every human should feel, the blessing of being inlove or be loved” nakakailang paulit ulit na ako sa pagbabasa sa phrase na to at syempre di ko magets, nagbabasa pala ng ganitong libro si Dave, discovery to ah

Ikaw na Pala  I  "Their Story"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon