Chapter 36 Night Swimming

11 0 0
                                    

Chapter 36 Night Swimming

# Dave

                Nakaupo kami ngayon ni April sa mahabang upuan at tila ramdam ng tao ang tension sa pagitan namin dahil walang naupo malapit samen, hinila ko sya at iniwan ang tropa kailangan ko na syang makausap ng ayos

“kung sasabihin mo na naman yung tungkol sa future, wag mo na lang ako kausapin”

“hindi yun!, yung nangyari kanina ang gusto ko malaman”

“wala akong balak na ikwento sayo, nakita mo na naman ang nagyari di ba?”

“eh yung tungkol sa babae kanina?” natigilan si April at pinigil ang pangangatal ng kamay nya pero halata pa rin eh

“wa-wala lang yun” humarap ako sa kanya at ipinatong ko ang mga kamay ko sa mga balikat nya

“April,kung di mo sasabihin hindi ito maiintindihan” bigla na lang may tumulong luha sa mata nya pero ang mukha nya ay walang pinapakitang kahit anong emosyon

“Dave, hindi ko talaga kayang ikwento” napabuntong hininga ako at sumandal

“hindi ngayon” bulong nya

                Mag iisang oras na kaming nakaupo dito ni April walang imikan, para na nga kaming estatwa dito at mainit na sa tayo namin, tumayo ako at humarap kay April,

“bumalik na tayo sa resort namin, dun mo na ituloy ang pagmumuni-muni mo” tumingin sya saken ng malumanay, first time ko makita ang ganito nyang mukha, she look so troubled, tumayo sya at hinawakan ko kamay nya, para kasing mawawala sya kapag di ko sya hinawakan. Pagdating namin sa resort andun na silang lahat may sariling resort sina Fatima ditto kaya dun sya nag-stay, nakatitig silang lahat saming dalawa ni April, nakakasawa ng Makita ang ganitong mukha nila

“April, look what you have cause to them, they’re worried sick about you” bulong ko kay April, pagkasabi ko nun napatunghay sya at napatingin sa tropa, lumapit sya sa kanya at nag group hug sila, andaya di ako sinama!

“sorry guys, hindi na mauulit” napakunot ang mukha ni Mori, mukhang di sya contented sa sinabi ni April, pero ngumiti na ang lahat matapos sabihin ni April yun

“god! Anu bang nangyari saten parang nagbakasyon tayo sa kumbento eh” napatawa ang lahat sa sinabi ni Prez. Mary

“tayo na mag dinner gutom lang  yan!” singit ko sa usapan, nagsilakihan ang mga ngiti nila, mga nag apir sila

“sa wakas!” sigaw  ni Jake ahahaha mukhang kanina pa sila gutom

                Kasabay namin kumain si Mama at wala syang alam sa nangyari, masaya na kasi ulit ang hangin sa paligid, parang walang nangyari, katulad pa rin ng dati kapag magkakasama kami puro asaran at tawanan lang habang nakain

“so how the first day here sa Puerto? I guess madami kayong napuntahan puro mga resort nga lang, this whole place is a summer place puro beach at swimming pool kaya naman nadagsa ang mga tao kapag bakasyon o summer?” nagtanong pa si Mama!

“ayos lang po tita kaso malamig na maligo malapit na kasi ang pasko BER MONTHS na eh” sabi ni Pinky

“maganda po yung place hindi nakakasawang maglakad” - Jake

“di ka rin makakaramdam ng pagod presko kasi ang hangin”- Marinella

Nagpatuloy ang masayang kwentuhan ng walang binabanggit sa nangyari kanina ramdam ng lahat ang magiging feeling kung maii-open nila yung topic kaya ingat na ingat sila, pagdating talaga kay April updated at aware sila, sana talaga noon pa ako pumasok sa BCA at di na ako naligaw sa TIME university, eh di sana mas matagal ko pa silang makakasama, mas marami pa akong ala ala na madadala pag alis ko, sana lang di nila ko makalimutan, kasi ako di ko talaga makalimutan ang samahan namin ngayon, ang bawat isa kung pano kami nabuo kung pano kami magsaya, lahat sila hinding hindi ko sila malilimutan

Ikaw na Pala  I  "Their Story"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon