Chapter 25 Secrets

8 0 0
                                    

Chapter 25 Secrets

# Dave

                Parang nakita ko na itong scene na ito sa panaginip nga lang, nakahiga si April sa damuhan sa likod ng room namin at nakataklob sa mukha nya ang isang pocket book, tiningnan ko ang libro ah yun pa rin pa lang dati pa nyang binabasa, sweet sixteen diary, may narinig ako mula kay April kaya lumapit pa ako sa kanya, hahahaha ang sarap ng tulog nya, naharok sya, umupo ako sa tabihan nya at kinulbit sya sa braso nya, hindi sya nagigising kinuha ko yung libro sa mukha nya, dun pa lang sya nagising, napatayo sya bigla

“D-Dave! Anung ginagawa mo dito?”

“nag-away daw kayo ni Jury, Bakit?” magtu-two months na kami ni Neya at sila mag wa-one month na, tumabi sya saken at napabuntong hininga

“dahil sayo” napatawa ako ng malakas kunot ang noo ni April na humarap saken

“ikaw naman ang pinag aawayan namin ni Neya” napatitig kami sa isat-isa at sabay na nag-iwas ng tingin

“si-siguro masyado na talaga tayong close ka-kaya ganun”

“ah? ah…si-siguro nga” ang awkward

“andito lang pala kayo, oi Dave may practice pa tayo sa basketball, April kayo din di ba sa baseball?, pawala wala kayo! Kayo pa naman pambato ng section natin” nakita kami ni Jake at sinermunan agad kami, sabay kaming napatayo ni April at pumunta na sa kanya kanyang practice para sa sports fest eto yung festival na matagal ng pinaghahandaan ng committee kaya naman sobrang busy sila ngayon di kami nakakapagusap ni Neya dahil dito at ganun din si April at Jury

# April

                Nakakadisappoint ang week na ito hindi ko nakakausap si Jury busy kasi sya at busy din ako sa mga practice ko sa mga games ko baseball, soccer at track n field relay, nakaka walang gana nga kasi kahit nakakasalubong ko si Jury iniiwasan naman nya ako tapos kasama nya lagi si Neya nakabuntot sya dun kainis! Andito ako ngayon sa harap ng baseball court kasama ko si Mori, team nila ngayon ang nagpraractice, nanunuod ako sa kanya ng may mapansin ako, kanina pang sablay ng sablay ang mga tira nya, may problema ito, pumito ako at nagsitigil sila sa laro at nagsenyas ako ng time out, lumapit saken si Mori at uminom ng tubig

“bakit?” tanong nya saken ng makainom na sya

“anong problema iba ka ata maglaro ngayon?” bumuntong hininga sya ang tahimik naming dalwa, tumingin sya saken na kunot ang noo

“hindi na kayo nagwo-work out ni Jury di ba?, bakit di ka pa makipagbreak sa kanya?” masyadong concern saken si Mori sa ganito, hindi na lang sarili nyang lovelife ang asikasuhin nya

“hindi pa pwede”

“dahil hindi pa nya maintindihan kung ano ka ba talaga para sa kanya?” tumungo lang ako, kay Mori ko lang nagshe-share ng mga seryosong bagay na hindi ko masabi sa iba, bestfriend ko na siguro sya, sabagay sa tagal na naming magkasama nung pang nakakasama naming si Fatima wait!

“ikaw ang tinatanong ko Mori, anung problema mo? Ah! balita ko magbabakasyon daw ulit si Fatima dito saten! Excited na sya! Alam ko alam mo na yun kung may una mang makakaalam na uuwi sya ikaw yun di ba…” hindi umimik si Mori at lumungkot mukha nya

“Mori….?”

“may boyfriend na sya at ang balita ko ikakasal sila pag 18 na sila, alam mo naman na di ko kayang pasukin mundo ni Fatima di ba…..parang si Dave lang kaso ang kaibahan nila si Dave mas gusto nya dito sa mundo natin” natahimik kami pareho, narinig ko na din kay Fatima noon na hindi daw sya pwede sa love kasi hindi daw sya ang magdedesisyon nun kundi ang mama nya

Ikaw na Pala  I  "Their Story"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon