Chapter 14 Dave Fontelion
# Pinky
WAAAAHHHH…….!!!!!!! Napanganga ako sa laki ng bahay na nasa harap namin ngayon tiningnan ko ang mga expression ng mukha nila mukhang di lang ako ang shock! Sila din!
“ba-bahay nyo to Dave?” tanong ni Jake habang nakatitig sa bahay nila Dave grabe naman kasi ang ganda ng bahay nila parang professional na architect ang nagdesign at nasa labas palang kami huh panu na lang kung nasa loob na kami di ko akalain na mayaman pala sila sa estado nyang ito dapat dun sya pumapasok sa TIME UNIVERSITY ang pinakasosyal na school dito. Pinindot ni Dave ang doorbell at may nagsalita mula sa maliit na speaker na malapit sa doorbell
“sino yan?” sabi nung boses
“Tita Diana andito na po kaming walo!” masiglang tono ni April ???? nagkatinginan kaming anim, KILALA NA NI APRIL ANG MAMA NI DAVE!!! KELAN PA?!!
“ha? Akala ko kayo lang dalawa ngayon ay sya sige pasok kayo” biglang bumukas yung gate wow automatic! Pumasok na kami sa loob at namangha para kaming namamasyal sa museum ang ganda ganda sa loob, tiningnan ko si April ganun din mukha nya hay! Akala ko sya na naman nakauna eh mukhang ngayon din lang sya nakapunta dito
“maupo muna kayo” Lumabas sa isang kwarto ang magandang ginang…..wow naman parang dalaga pa
“ate Nari paki handa nang meryenda”
“yes madam,” wow madam daw, umupo kami sa mahabang sofa at lahat kami ay nakatitig sa mama ni Dave si Dave naman pumasok sa isang kwarto iniwan kami!
“ang dami nyo pala, si Dave talaga puro surprises hahaha, akala ko kasi si April lang kasama nya ngayon” she’s so gorgeous naganda sya lalo kapag natawa
“yun nga po ang plano ewan ko ba sa mga to kung bakit sumama” nakita kong siniko ni Marinella si April napangiwi si April
“ahahaha, okay lang gusto ko din naman kayo makilala lahat” feeling close to si April, teka kelan nga ba nila nakilala isat –isa
“kilala nyo na po pala si April, kelan pa po?” nice question Prez. Mary napatutok kami lahat sa sagot nya maliban kay April
“ah…binisita ko dati si Dave sa apartment nya at si April ang nagturo saken kung san”
“ah………” sabay sabay kaming napasagot ngumiti lang ang mama ni Dave, kainis mukhang close na nga sila haixt! Ano ka ba Pinky give up ka na nga di ba! Ikaw mismo ramdam mo na may namamagitan na sa kanila, bagay na di nila maamin sa isat isa
# Jake
Bakit ang tagal bumalik ni Dave na o-op na kami sa kwentuhan nila puro mga pambabae, pansin ko lang ha, laging nakangiti mama ni Dave pero hindi nakakaumay tingnan hihi di ko akalain na ganto kaganda mama ni Dave nasa bahay pa lang ito ah panu pa kaya kapag may occasion, grabe ang manyak ko na
“aray!” mahina kong angal siniko kasi ako ni Luigi
“ah…tita pwede po ba naming puntahan na si Dave?” tanong ni Mori
“ah! Sige sige!” at nagpunta kami sa kwartong pinasukan ni Dave at nakita namin syang nakaharap sa computer, nagfe-facebook ang potek!
“iniwan mo kami sa baba para magfacebook napaka hospitable mo ah”
“hindi man lang kayo kumatok eh”
“ay sorry naman gusto mo ulitin namin?” badtrip ata to si Dave kanina pa sa jeep sabukot na mukha nya lumapit sa kanya si Mori at umakbay sa balikat nya
“anong tinitingnan mo Dave?” tanong nito inalis lang ni Dave ang kamay ni Mori sa balikat nya at di lumilingon
“anong problema pare?” tanong ni Luigi sa aming tatlo si Luigi ang pinaka kaclose ni Dave
BINABASA MO ANG
Ikaw na Pala I "Their Story"
RomansaMatagal ng may crush si April kay Jury at ganun din si Dave kay Neya ngunit hindi to maunawaan ng mga kaibigan at kaklase nila sa pag aakalang may gusto sila sa isat-sa dahil sobra silang close, kaya naman nagpasya ang buong section na paglapitin an...