Chapter 12 With You

13 0 2
                                    

Chapter 12 With You

# April

                Napakabilis ng mga nagdaang mga araw at heto ako ngayon nakaharap sa bulletin board ng section namin, ilang araw ba akong di tumingin dito at sandamakmak na naman ang mga pictures namin ni Dave, speaking of Dave

“buti andito ka may tanong ako sayo” tinuro nya yung isang picture

“kelan to?” hmm…tinitigan ko ang itinuro nya, omg! Etu yung tinititigan ko sya pero di sya nalingon natutuwa ako kasi pokerface parin mukha nya kahit nagbabasa sya

“er….wala lang yan,”

“eh eto?” napatingin ako sa isang picture at itinuro ko sa kanya di sya makaimik

“eto, eto at eto” pinagtuturo ko yung mga picture kung saan lahat ng kuha ay nakatingin sya saken at ako naman ay busy sa pagbabasa, paglalaro sa cp at pakikinig sa chismis sa katabi kong third year

“nung nasa practice tayo sa auditorium”

“bakit mo ako tinitingnan?”

“kagaya mo din wala lang din yun” aw! Nadisaapoint naman ako dun syempre wala lang yun kaso kasi naman si ako eh masyadong assuming lalo pa ngayon na alam ko na gusto ko pala ang mokong na tu! Kainis lang!

“April…nanaginip ako nung isang gabi” napanaginipan mo si Neya? Please wag mo ng ikwento masakit ho!

“napanaginipan kita” eh! Dahan dahan akong napalingon sa kanya, nakangiti sya habang nakatingin sa bulletin board

“kasama daw kita sa isang family vacation at magkasundo kayo ng mama ko” wow ang ganda naman ng panaginip mo

“kaso nawala ka bigla, hinanap kita tapus nung Makita kita………nasa loob ka ng trap net tapos kasama mo mga baboy damo pinagpyepyestahan ka nila, hahahahahaha” toink! Badtrip kala kung anong susunod yun lang pala, tapos baboy damo pa talaga! Naku me naalala akong di kanais nais

“Dave!” napalingon kami sa tumawag sa kanya si Neya pala makaalis na

“una na ako Dave” nginitian ko lang sya at inirapan ko si Neya hindi ako makikipagplastikan sa kanya no! at umalis na ako sinilip ko pa si Dave ngiting ngiti ang luko, tingnan natin kung anong gagawin mo kapag nalaman mo ng impokrita ang babaeng yan

#Dave

                Umalis na si April…pfft! Natatawa ako sa kwento ko sa kanya about sa panaginip ko epic yung reaction nya, ang totoo nyan iba yung ending nun eh

“Dave?” ay may kasama nga pala ako

“ahm….text text na lang Neya magta-time na kasi baka malate ka pa punta ka na sa room nyo”

“hindi mo ako ihahatid?” hindi asa ka!

“pasensya na nagmamadali din ako eh, bye!” at iniwan ko na syang nakanganga akala nyo mabait ako pwes akala nyo lang yun akala ko din magiging mabait ako sa babaeng yun, hindi pala, kagaya din sya nung mga babaeng nakilala ko nung elementary ako, lalapit lang sila saken para magpalibre kasi mayaman ako, pero nung nalaman nila na galing kami sa hirap kung makaiwas sila parang meron akong nakakahawang sakit, simula nun naging mailap ako sa babae nito lang nung nagfirst year ako gumaan ang pakikitungo ko sa tao tama si mama na papasukin ako sa isang public school, humble ang mga tao dito pwera na lang sa mga popular na tao, kaya ayokong mag girlfriend ng popular eh at eto na nga napasugo na ako

“bakit andito ka na agad? Di mo ba inihatid si Neya?” tanong ni April

“ayaw nya eh” wag ka na magtanong please nakaramdam ata sya, hindi na nga sya nagtanong

Ikaw na Pala  I  "Their Story"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon