Chapter 21 I'm Glad You're Happy

8 0 0
                                    

Chapter 21 I’m Glad You’re Happy

# April

                Nagtatatadyak ako sa harap ng gate namin habang nakasandal sa pader, naghihintay sa ulol kong seatmate ang tagal eh, naiinip na ako, may problema kaya ang mokong na yun? Ang weird nya kasi kagabi, tutunghay yuyuko, bubuntong hininga, tutunghay yuyuko bubuntong hininga, naka drugs ata sya

“April!” agad akong lumingon sa tumawag saken tsk! Si Mori lang pala!

“anu pang ginagawa mo jan?” obvious ba eh di naghihintay sarap manapak ngayon

“hinihintay si Dave” bulong ko

“eh? Nakita ko na sya kanina eh sumakay ng tricycle papunta na atang school” lakas ng pandinig ni Mori,

 hindi ako dinaanan?

“hindi ka dinaanan?” mahahampas ko na sana si Mori pinigilan ko lang, nakakainis!

“problema mo!?”

“wala! Tara na sabay na tayo”

                Pagdating namin sa room andun na nga si Dave, hindi na ako bumati sa lahat dedma naman sila lagi eh, sasapukin ko na sana sya pagkaupo ko sa upuan ko kaso hindi ko nagawa kasi naman nung tumunghay sya galing sa pagkaka-ub-ob nya nakita ko, laki ng eyebags nya! Hahahahahaha

“Dave anu nangyari sayo!?” tanong ko, napalingon sina Luigi at Marinella at tumingin din kay Dave

“wah! Dude! You’r scary…..” sabi ni Luigi binatukan sya ni Marinella

“anong nangyari Dave?” marahang tanong ni Marinella

“oh my gosh Dave! What happened to you!?” exaggerated naman makapag react to si Pinky nasulpot na lang bigla kasunod na nya si Jake at Prez Mary, isang mahabang buntong hininga lang nakuha namin sagot sa kanya, bakit kaya?

“hindi nakatulog yang si Dave kakaisip kay April” nagpantig tenga ko hindi ko na talaga kayang sakyan trip ng mga ito nahampas ko ang desk ko sa inis

“alam nyo tama na! hindi na nakakatuwa na pinagkakaisahan nyo kami bakit ba hindi nyo maintindihan na magkaibigan lang talaga kami ni Dave at isa pa!” kailangan ko ba talagang sabihin ito? Tama sasabihin ko ito para sa ikaluluwag ng loob ko

“nahuhulog na ako kay Dave,” nagsiluwa mga mata nila

“please naman itigil nyo na yang mga ginagawa nyo, hindi nyo lang alam kung gano ako nahihirapan! May girlfriend na si Dave at kung malaman ni Neya ito tsak! Magkakagulo silang dalwa, makakasira pa kayo ng relasyon ng may relasyon” napabagsak ako ng upo sa aking upuan nanghina ng husto tuhod ko at di na ako makatingin kay Dave

# Dave

                Ta-tama ba rinig ko? Nahuhulog na saken si April? Grabe ang saya ko kaso hindi ko mailabas, hindi ako makatingin kay April, pero kailangan ko syang kausapin pero pano si Neya nalilito ako, ano ang una kong gagawin?

“ow…. what a surprise tahimik ata ang section na ito ngayon?” pumasok sa room si sir Dimayuga, pero walang pumansin sa kanya, napuno ang classroom ng awkward silence, lahat ng estudyante sa room ay nasa state of shock pa at walang nakaimik sa sinabi ni April, hindi siguro nila alam ang dapat sabihin

Nakita kong lumibot ng tingin si sir sa buong room napansin din siguro nya na walang nagalaw ni isa

“class get back to your seats!” saka pa lang natauhan ang lahat dahan dahan silang nagsigalaw na parang robot at humarap sa unahan, parang mga zombie lang, kahit ako ganun din, grabe! Nawindang ako dun ah! hanggang sa magrecess tahimik ang klase

Ikaw na Pala  I  "Their Story"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon