# April
Eavesdropping, yan ang tawag sa ginagawa ko ngayon, hindi ko ito gusto kaso hinihila ako ng tenga ko kung san mang lugar ko marinig ang pangalang Jury, eh kasi naman crush na crush ko yun nung pang first year ako
Nakalimutan kong ipakilala ang sarili ko ako nga pala si April H. Renas nakatira sa Block 1 barangay Iskwater, second year na ako ngayong taon pumapasok ako sa isang normal na school ang Blue Crest Academy at nandito ako ngaun sa isang cubicle sa comfort room for girls, balik tayo sa kwento
“ang galing talaga ni Jury no? second year palang sya pero nasa first five na ng team ng school natin” napapatango ako tuwing makakarinig ng papuri tungkol kay Jury sa ganitong paraan lang ako nakakasagap ng balita kay Jury kasi naman ang laki ng school namin bihira ko din sya makasalubong kasi na sa kabilang building pa ang room ng mga star section
“kaso sayang no mukhang imposible na talaga makalapit sa kanya tsaka lagi pa nyang kasama si Neya” kumunot ang noo ko at napasimangot ako, tama, si Neya ang school’s most admired student at most popular pa, kung ikukumpara ako kay Neya naku! Mukha akong kaawa-awa tingnan
Biglang bumukas ng malakas ang pinto ng comfort room sa lakas ng pagbukas nun pati ako ay nagitla
“hoy April anung tagal mo naman! Tekna! Bilisan mo nga!” ay ou nga pala may naghihintay sakin sa labas nakalimutan ko. Paglabas ko ng cubicle nakita ko yung dalawang babae na nakatingin kay Dave pagkakita nya saken lumabas na sya, grabe wala talagang sinasanto ang lalaking ito kapag galit , ano kayang nangyari dito at agang aga eh highblood, sumunod lang ako sa kanya hanggang sa makarating na kami ng room umupo sya, umupo din ako sa tabi nya seatmate kasi kami kumuha sya ng fictional book at nagbasa nito pampatanggal nya ng badmood. Mabait at madaling suyuin si Dave kapag goodmood pero kapag badmood naman naku total opposite, katulad nalang ngayon
Tinitigan ko sya,ganito sya kaseryoso nung una ko syang makilala first day of school nung first year kami
“bakit!?” tanung nya. nagitla ako. nakatingin pa rin sya sa binabasa nya
“ahm…kamusta na pang eespiya mo ke Neya?”
“purke ba sinabi mo gagawin ko na?”
“eh……..napag usapan na natin to di ba?”
“ayoko!”
“Dave…..”
“hindi ako katulad mo na gagawa nang kung anu anung wirdong bagay makasama lang ang crush mo, wala akong plano na pumasok sa mundo ng mga popular na tao” never ending ang sentence na ito ni Dave ilang beses ko na ba ito narinig sa kanya?
“eh…umoo ka na dati di ba, nakagawa pa nga tayo ng plano para makausap mo si Neya di ba”
“palpak naman”
“so…..?”
“hindi na ako aasa sayo!”
“ibig mo sabihin ikaw na gagawa ng paraan, plano at aksyon para maging kayo ni Neya?” kumunot ang noo nya, nakatingin parin sya sa libro nya
“oo”
“talaga!?” napalakas ang pagkakasabi ko sa saya. Isinarado ni Dave yung libro nya
“paniwala naman” hindi ko narinig ang sinabi nya bagkos tumingin sya sa akin ng matalas , ok. Talo na ako, lalo ko lang ata sya nabadtrip…teka!
“bakit nga pala parang pinutakte ka ng pitong bubuyog ngayong umaga?” hindi sya sumagot
Biglang pumasok si ma’am Adunay subject teacher namin sa filipino me kasunod syang nagpatibok ng sobrang bilis ng puso ko, si Jury!
BINABASA MO ANG
Ikaw na Pala I "Their Story"
RomanceMatagal ng may crush si April kay Jury at ganun din si Dave kay Neya ngunit hindi to maunawaan ng mga kaibigan at kaklase nila sa pag aakalang may gusto sila sa isat-sa dahil sobra silang close, kaya naman nagpasya ang buong section na paglapitin an...