Story Information
Sa panahon ng sinaunang Danton, bawal ang mga kalalakihang may maikling buhok. Ang sino mang lalaki na maikling buhok ay nabibilang sa mga alipin o may kasalanang ginawa. Tulad ng isang lalaki na tinaggalan ng karapatan at pagiging kapatantay ng mga normal na tao sa lipunan.
Ang sino mang pinutulan ng buhok ay masasabi ring tinanggalan na ng karapatang mabuhay.
Lahat naman ng kababaihan ay may makakapal ding kasuotan tulad ng mga kalalakihan mas marami nga lamang ang patong na damit kaysa sa mga kalalakihan tanda na kailangan silang igalang.
Ang mga kababaihan sa Danton ay may mahahaba ring buhok subalit kailangan itong nakatali sa pinakatuktuk ng kanilang ulo. Tanging mga nasa palasyo lamang at mga dugong bughaw ang maaring magtaas ng kanilang mga buhok tulad nito.Samantalang ang mga ordinaryong mamamayan naman ay mayroon ring mahahabang buhok. Kailangang ito'y nakasalapid(braided) upang matukoy ng lahat ang kalagayan nila sa Lipunan ng Danton.
At para sa mga ito, mga mababang uri sila o hindi maharlika. Sila itong nagbubuwis para sa proteksyon ng kaharian sa kanilang kaligtasan.
Character Information
Lukas Cabuenios
-Magaling siyang pinuno sa kanilang nayon at hirap siyang maghanap ng asawa dahil may iba siyang depinisyon ng kagandahan. Kilala rin siya bilang Agilang Lu Cabuenios, ang pinakamabilis na mananakbo sa buong nayon.
Tangging pinagkakatiwalaan sa lahat ng kaniyang mga tauhan ay si Harrie na tulad niya'y may ibang lahi rin.
Si Lukas ay isang bandido na mahilig sa mga hayop subalit lihim lamang iyon lalo na sa kaniyang mga tauhan.
Kumikinang na itim sa liwanag ng bwan ang kanyang buhok. Mayroon siyang bangs na hindi masyadong nakakatakip sa kanyang noo. Ang mahaba niyang buhok ay kalahati lamang mula sa likuran ng kanyang ulo at ang kalahati ay nagupit na parang may kunsinong pumutol dito. Gayon pa ma'y hindi ito pansin sa sobrang lambot at tuwid ng buhok niyang iyon.
Maputla ang kanyang kulay na para bang nakababad siya sa malamig na tubig.
Yael Jing Song
-Isang Emperor sa Danton, mayroong tatlong nakakabatang kapatid na babae na walang ginawa kundi ang pahirapan ang mas nakakabata pa nilang kapatid na lalaki na hindi tulad nilang apat ay may naiibang lahi.
Si Haring Jing Song ay puno ng kakaibang kagandahan tulad ng kaniyang mga kapatid. Subalit ang kanyang panloob at tunay na ugali'y iilan lamang ang nakaka-alam. Siya lamang ang nag-iisang hari sa kasaysayan ng Danton na puti ang buhok dahilan para magkaroon siya ng pinakamataas na pagkilala mula sa mga ministro at sa buong Danton.
Harrie
-Ang tangging pinagkakatiwalaan ng Hari ng mga Bandido. Isang purong banyaga at kita sa pangangatawan nito ang taglay kalakasan. May purong itim na mahabang buhok na pinili niyang palaging nakasalapid at hindi masyadong maputlang kulay ng balat.
Kwela at masayahin subalit walang taglay na kahit anong uri ng resposibilidad para sa ibang tao maliban pagdating kay Lukas na kanyang itinuturing na nakakatandang kapatid.
Semion Jung Song
-Ang nakakabatang kapatid ni Yael Jing Song. Dilaw ang buhok at may lahing amerikano dahil sa kanyang ina. Nakasalapid ang isang bahagi ng kanyang buhok dahil sa utos ng namayapa niyang ama. Tanda na siya'y isang anak sa labas at ang pribeleheyo lamang na nakuha niya ay ang maging prinsepe at ang titolong iyon lamang. Sa loob ng palasyo'y isa lamang siyang ordinaryong tao na binabantayan ng mga kawal at sumusunod sa kagustuhan ng mga nakakatandang kapatid.
Natatanging pinagkakatiwalaan niya ang kuyang si Yael Jing at ang asong si Eliss, wala ng iba.
Nagbago ang pananaw niya sa buhay ng makilala niya ang isang lalaking kamuntikan ng magahasa ng isang nagtitinda ng kakanin.
Sean
-Ang isa sa mga pinagkakatiwalaan ni Yael Jing Song sa larangan ng palakasan. May kulay tsokolateng buhok na nakasalapid subalit may laso na nagsisilbing tanda na siya'y isa sa mga kawal ng palasyo.
++++-----------++++++
Paano sila magkakakilala? May mangyayari kayang kakaiba? Magkaroon kaya ng masayang pagsasama ang dalawa o magkagulo-gulo na?
------
Edited: November 19, 2015
BINABASA MO ANG
Dalawang Haring Nagmahalan (2014)
Historical FictionAno ba ang PAGMAMAHAL? Ito ba ay para sa magkaibang kasarian lamang? Ito ba ay para sa isang hayop, bagay o tao? Ano ang basehan ng mga ito? Ano ang susi para makuha ito? Ito ay tungkol sa dalawang HARI na may magkaibang antas sa lipunan; isang hari...