Prologue

2.2K 38 1
                                    

"Sure ka bang pupunta si Zeus?" Muli kong tanong kay Michelle.

"Oo bes, sure na sure ako. It's your time to shine bes." Kinakabahan akong isipin na makikita ko muli ang long time crush kong si Zeus.

"Basta bes, alam mo na gagawin ah?" Tumango naman ito.

"Basta galingan mong umakting bes!" Dagdag ni Michelle

"Oo bes, matagal ko nang inaantay ang pagkakataong to. Kaya mag-iinarte pa ba ako?" Nakita ko naman agad ang mga letrang nagpapatunay na nasa tamang lugar kami.

"Welcome Alumni Batch 2003"

8 years ago na pero hindi parin nagbabago ang school kung saan ako gumraduate ng highschool. Maraming nakapalibot na puno gaya ng dati at mga gusaling nakapintura ng puti  kung saan bawat year noon ay may kanya kanyang gusali.

Naglakad pa kami ng kaunti ni Michelle bago kami mapunta sa gym kung saan gaganapin ang alumni.  Maingay na tugtugin ang tumambad sa amin, ang mga kanta na umuso ng 2003 kung saan nagpapaalala sa amin ng magagandang araw ng aming pagkabata.

Mabilis naman naming nakita ni Michelle ang section namin noon, Bonifacio. Ang napuntahan naming Alumni party ay hindi gaya sa iba na walang kadating dating, para itong bar na may malakas na tugtugin at mga alak na sineserve ng bartender at may dance floor pa.

Umupo agad kami ni Michelle sapagkat malapit na mag-umpisa ang programa.

"Bes, hindi ko makita si Zeus." Pagrereklamo ko kay Michelle dahil natatakot akong baka hindi siya dumating.

Matagal ko nang inaasam ang pagdating ng araw na to at hindi ko hahayaan na masira to dahil lang sa hindi siya pumunta sa event na to.

"Wait lang bes, antay ka lang. Makikita rin natin siya." Naniwala naman ako at nanahimik habang nag-aantay kung darating siya.

Nagsimula na ang programa at wala parin si Zeus.

"Agatha! Michelle! Kamusta na? Andito pala kayo!" Pambungad ni Pia sa amin. Hindi namin siya kaclose ni Michelle nung highschool dahil isa siya sa mga nagkakandarapa kay Zeus noon at isa siya sa mga  bida bida na akala mo meron silang relasyon ni Zeus.

Gaya nang pustura niya noon ganun parin hanggang ngayon. Ang halos hubad niyang kasuutan ay walang pinagbago. For sure alam niyang aattend si Zeus at masaabi ko lang na marami pala akong makakalaban sa atensyon niya.

"Oo hehehe." Nahihiyang sagot ni Michelle. 

Alam kong parehas ng kumukulo ang dugo namin ni Michelle na makita ang mukha ng babaeng to at sa tingin ko mamalasin ang araw ko dahil sa kanya.

"Okay naman kami. Ikaw kamusta na? Mas lalo kang gumanda ah." Pagbibiro ko.

Hindi naman talaga gumanda dahil parang binuhos ang lahat ng makeup ng mga babae dito sa mukha niya.

"Oo naman. Ikaw ganun parin walang pinagbago." Parang nagtaas naman ang blood pressure ko sa narinig ko. 

Easy Agatha! Maganda ka na noon at mas maganda ka ngayon. Kaya pagpasensyahan mo na siya. 

Ngumiti naman ako at hinayaan nalang siya na magsalita.

"Successful ka na pala sa business mo. Saan mo naman natutunan na magbusiness." Pag-iiba niya ng usapan. Siguro nga halata niya na hindi ako natuwa sa naririnig ko sa kanya.

"Ayun salamat sa kinuha kong kurso namanage ko ng mabuti." Simple kong sagot.

"Nag-asawa ka na ba o may boyfriend ka na?" Muli niyang tanong. 

How to be yours? (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon