Two: His Brother

806 24 1
                                    

"What time is it?" Muli kong tanong sa kasama ko.

"11 minutes before 6pm, Ma'am." Hindi ko maiwasan na di mapressure dahil sa kaba na nararamdaman ko.

"Andito na po sila." Tumayo si Luz, ang secretary ni Papa kaya maging ako ay tumayo na rin.

Palapit sa amin ang isang lalaki na pormal ang pananamit, sa tansya ko ay nasa early 30's. Makisig ang kanyang mukha gaya ng kanyang kapatid at halatang kagalang galang na tao. Maganda rin ang kanyang tindig na halatang may magandang pangangatawan. Mukhang tila nakita ko na ang kanyang mukha noon, siguro sa magazines or tv. Pagpasok na pagpasok palang niya sa pintuan ay mararamdaman mong malakas ang kanyang dating.

"Mr. Railey Uy, nice to meet you." Inabot ko ang aking kamay at madali naman itong nakipagkamay.

"Nice to meet you too, Ms. Agatha Cleone." Nakangiti nitong tugon.

"Let's have a sit." Ani ko.

"I'm representative of our company JC Enterprise. Let's start." Tumango naman ito.

Natapos ang pagdididiscuss na tila hindi siya interesado sa aking pinagsasabi.

"May we talk, just two of us?" Madali ko naman naintindihan ang ibig niya kaya pinaalis ko muna si Luz.

"So, what we gonna talk about, Mr. Uy?" Tiningnan ko siya sa kanyang mga singit na mata. Hindi ko maiwasan na mabahala dahil sa malaking pagkakahawig nila ng kanyang kapatid.

"I want you to explain, on what will be the gains of San Manuel Corporation on acquiring your company to be our subsidiary than marrying you?" Seryoso ang kanyang mukha, hindi ko kayang isipin na makakasama ko ang gaya niya sa buong buhay ko. 

Sabihin na nating mas gwapo siya kay Zeus at mas malakas ang dating niya sa babae lalo na kapag seryoso siya. Pero hindi akong madaling mafall ng ganun ganun nalang.

"I'm not here to talk about marriage, Mr. Uy." Consistent kong sagot.

"But that's the point, Ms. Agatha, if you are not marrying me, why are you presenting this confidential stuff?" Nakita ko naman agad ang kanyang tunay na pag-uugali. 

Tama nga ako, hindi ang gaya niya ang pwede kong makasama sa buong buhay ko. Minamaliit niya ako dahil sa babae ako.

Ngumiti ako sa kanya bago sumagot. "Let's just say, I'm here to survive. Not just for me but also to our employees. Marriage is not the answer, I'm here to be your future business partner, not your future wife." Nakita ko ang pagngisi sa kanyang mukha. Iba ang kutob ko sa nangyayari.

Saglit niyang pinatong ang kanyang kanang kamay sa mesa at idinampi sa kanyang baba ang kanyang hinliit na tila nag-iisip ng kung ano sa utak niya.
"Sorry for underestimating you, Ms. Cleone. But discussing is not enough for me. I want to see on my own, how JC Enterprise was really doing and how we should put each other goals?" Mas kumalma na siya ngayon kaya mabilis akong nakapag-isip ng tamang isasagot. Nakita niya rin akong palaban.

"I will assist you, to see how we regulate and build our relationship to our employees and also to the business. Let me be your guide, Mr. Uy." Ngumiti naman ito at inilahad muli ang kanyang kamay.

"Okay, we have a deal." Inabot ko naman at nakipagkamay.

"So let's just eat and end our business discussion." Tumango naman ako.

Umorder kami nang aming makakain. Habang nag-aantay ay nagsimula siyang magsalita.

"Are you the only daughter of Mr. Jose Cleone?" Tumango naman ako.

"Only child." Sagot ko.

"May I ask. I'm so curious, how does it feel, to put you in the marriage without even know who I am?" Ang mga tingin niya sa akin ay halatang nagpapakabagabag ng aking puso. Siguro dahil malaki ang pagkakahawig nila ng kanyang kapatid.

How to be yours? (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon