Twenty One: Incompetent Father

442 14 3
                                    

I hardly open my eyes and see Sync was wrapped up by a white towel while silently waiting at the corner of the bed and I was surprised to see Zeus while amazingly looking in Sync's wardrobe.

"How about this?" Zeus show to Sync a white sando and a pair of jeans.

Sync shrugs. "Mommy!" Sync is happy to see me awake that make him jump to our little bed and whisper to my ear. "Mommy, Tito Zeus don't know what I gonna wear."

Tumayo na ako at dumiretso sa wardrobe. Agad naman siyang umalis doon at umupo sa tabi ni Sync. Nang makita ko na ang multipurpose shirt ni Sync ay agad naman na kinuha ni Zeus ito sa akin at pinalabas nila akong dalawa sa kwarto. Dumiretso ako ng kusina nang makita ko roon si mama na busy sa pagluluto.

"Ma, bakit andito pa yung lalaking yun?" Busy siya sa paghihiwa ng sibuyas at kaya di niya ako napansin. Muli kong tinanong ulit siya.

"Ay si Zeus ba? Nakiusap sa akin na dito siya matulog kahapon kaya hinayaan ko nalang at gabi na rin para magdrive pa siya."

"Ma naman, bakit hinayaan mo dito yan matulog. Baka kasanayan na yan na dito siya natutulog." Pagsesermon ko kay Mama.

"Siya nga ba anak o ikaw?" Sinamaan ko ng tingin si Mama. "Hay naku Ma, di ako masasanay na andito yang taong yan. At oo nga bakit parang nagbago ang ihip ng hangin at pabor ka na sa taong iyan!"

"Agatha, give him a second chance."

"Walang second chance Ma dahil never naman kaming nagkaroon ng pagkakataon." Napahinto kami sa pag-uusap nang dumating si Zeus at Sync sa dining table.

Naghain na ako ng pagkain at tahimik kaming kumain. Siya na rin ang naghatid kay Sync sa school.

**************

Coffee Shop

"So walang kiskisan ng balat?" Mapagbirong sabi ni Michelle sa akin.

"Hay naku! Yang utak mo talaga Michelle!"

"Ang sa akin lang naman bakit di mo nalang bigyan ng chance si Papa Zeus. Tutal naman mukhang hiwalay na sila ni Phoebe, diba wala ng kontrabida?" Lumapit ako sa kanya at mas binabaan ko ang boses ko.

"Bakit sino bang nagsabi na hiwalay sila? Alam mo naman ang mga lalaki Michelle kapag gustong sumungab susugab yan! Kaya baka gusto lang tumikim ng bagong putahe." Tumawa ng malakas si Michelle na nang-agaw ng atensyon ng mga customer.

"Bakit Ate, magpapatikim ka ba sa kanya? Hahaha!" Nag-init ang mga pisngi ko sa tanong niya kaya hindi ako nakapagsalita.

Hinampas ako ni Michelle sa likod . "Aray! Ano ka ba?" Hinimas agad ang parte na hinampas niya dahil kumirot ito.

"Hoy Gaga! Totoo nga? Magpapatikim ka ba talaga?" Mapang-intriga niyang tanong.

"Tumigil ka nga Michelle, ang dumi dumi ng utak mo!" Tumawa naman siya ng malakas.

"Basta bes, ang mapapayo ko lang sayo. Sundin mo ang sinasabi ng puso mo. Wag mo ng isipin si Phoebe mukhang totoo naman na hiwalay na sila. Karapatan mo naman maging masaya, matagal mo nang pinagkait yan sa sarili mo. Ngayon ka pa ba aarte? Lumalapit na nga sayo ang grasya!" Naging seryoso na siya.

"Hay, sana ganun kadali ang lahat." Nabuntong hininga nalang ako dahil parehas sila ng sinasabi ni Mama.

******************************

How to be yours? (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon