Epilogue

854 23 9
                                    

Zeus' POV:

Pagkauwi namin sa bahay, nagulat ako na ang gulo ng bahay at sobrang daming laruan na nakakalat.

Mabilis na nagtatakbuhan ang mga bata sa amin.

"Papa!" Napalingon ako habang nagtataka kung bakit tinatawag si Kuya ng batang lalaki ng Papa.

Wala akong maalala na nag-asawa na siya.

"Pa-pa!" Tawag din ng isang batang babae na kapag tinitigan ko siya tila may kahawig siya na hindi ko maalala kung sino.

Binuhat ni Kuya ang batang babae at ang batang lalaki naman ay biglang yumakap sa akin. "Daddy, I miss you!" Nakatingin siya sa aking mga mata habang nakatingala.

"May mga anak ka na pala Kuya? Pero bakit tinatawag niya akong Daddy?" Kinuha niya ang batang lalaki sa akin.

"Sync, your daddy Zeus is sick so you need to be careful, okay?" Tumango naman ito bilang tugon at muling lumingon sa akin yung batang lalaki.

"Drink your medicine Daddy, okay?" Pag-aalala niyang sabi sa akin.

"Okay." Ginulo ko naman ang buhok niya dahil nacucutan ako sa kanya.

"Ma, kumain na yung mga bata?" Nakasunod lang ako kay Kuya para alalayan siya dahil bitbit niya ang dalawang bata at natatakot ako na baka isa dito ay mabitawan niya pero halata namang sanay siya na ginagawa iyon.

"Hindi pa, aalis na ba tayo?" Tanong ng matandang babae na nasa kusina.

"Oh, andyan ka na pala Zeus." Nakangiting sabi sa akin ng matandang babae na sa tingin ko ay kilala niya ako pero wala sa hinagap na maalala ko siya.

"Opo, nakakarating ko lang." Magalang kong sagot dito.

Habang kumakain ay hindi ako makapagtanong kay Kuya dahil busy siya sa pagpapakain sa mga bata. Hindi ko lang maintindihan bakit wala ang ina ng mga bata dito sa kabila ng maliliit pa sila para iwan at ipagkatiwala sa matandang babae at sa mga yaya nito.

Pagpatak ng alas dos ay niyaya na kami ni Kuya na umalis at sumama rin ako dahil ipapakilala niya raw ako sa maswerteng babae na gusto niya kaya agad naman akong sumama para kilitisin ang taong yun. Nakipaglaro ako kina Sync at Suzanne, na nalaman ko nalang ang pangalan dahil sa ito ang tawag ni Kuya sa mga bata.

Masaya akong nakikipaglaro sa kanila kahit sa kabila na hindi ako mahilig sa mga bata pero naeenjoy ko na kasama sila, siguro dahil anak sila ni Kuya at mga pamangkin ko sila.

Huminto na ang sasakyan at bumababa na kami sa sementeryo na ipinagtaka ko. Isa lang pumasok sa utak ko kaya wala ang ina ng mga bata sa bahay dahil andito siya. Ikinalungkot ko naman ito dahil hindi ko man lang siya nakilala bago siya mawala.

Nagtatakbong pumunta si Sync sa isang puntod si Sync na hinabol naman ng byenan ni Kuya.

"Anong ginagawa natin dito, Kuya?" Tanong ko sa kanya kahit na may alam na ako ay gusto kong makumpirma kung tama ba ang nasa utak ko ngayon.

"Makikita mo." Tuluyan na kaming nakarating sa puntod na mayroong litrato na nakalagay dito.

Nang tingnan ko ito ay tila pamilyar siya sa akin na hindi ko maintindihan ang sarili ko sa pagkakita sa kanya na ganun ang kalagayan niya kaya biglang sumakit ang dibdib ko.

"Siya ang babaeng nakikita ko sa panaginip ko." Yun ang ang lumabas sa bibig ko.

3 months ago...

"Zeus?!" Napalingon ako sa tumawag sa akin.

Isang magandang babae na may magagandang mata, matangos na ilong, magandang labi, korteng puso mukha at may di kahabaang buhok. Napakaganda ng ngiti niya sa akin pero kahit gusto kong banggitin ang pangalan niya ay hindi ko magawa dahil hindi ko matandaan kung sino siya at kung ano siya sa akin.

How to be yours? (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon