Bumusina si Railey na tanda na naroon siya. Nakangiti ako habang na patungo sa kanya. Binuksan pa nito ang pintuan ng kanyang sasakyan na tanda ng kanyang pagiging magalang sa babae.
"Pano mo nalaman na dito ako nagtratrabaho?" Agad kong tanong rito habang pinaandar ang kanyang sasakyan.
"Someone tell me." Ngumiti ito na tila nagpapaguilty pa lalo sa akin.
"Sino naman?" He shrugged
"Sorry." Nakatingin ako sa kanya at lumingon naman ito sa akin.
"You not need to be sorry." Kalmado nitong sabi sa akin.
Hindi ko na dinugtungan pa ang sinabi niya. Katahimikan ang bumalot sa amin hanggang sa di ko nalang namalayan na nakatulog na pala ako.
Madaling tumama sa akin ang hampas ng araw. Napalingon ako sa aking tabi. Nakatulog ako sa kanyang sasakyan at siya naman ay gayun din sa tabi ko. Ginamit niyang kumot ang kanyang tuxedo na nilagay sa akin.
Gigisingin ko na sana siya nang makita kong mahimbing pa ang kanyang pagtulog. Wala na akong nagawa kundi antayin siyang magising. Nilagay ko ang tuxedo niya sa kanyang katawan.
Maigi kong pinagmasdan ang kanyang mukha na ngayon ay masasabi kong mas makikita ang kanyang kakisigan. May katatamtaman na haba ng pilikmata, matangos na ilong, maganda korte ang labi niya na tila isang babae at medyo mapangang hugis ng mukha.
Hindi ko maisip kung pano nga ba nagkagusto ang isang gaya niya sa gaya ko na siguro kahit ang pinakamagandang babae sa mundo ay magkakagusto sa kanya. Makisig, maganda ang pangangatawan, galing sa magandang pamilya, mayaman at higit sa lahat napakaganda ng kanyang pag-uugali. Masasabi ko na nasa kanya na ang lahat.
Biglang pumasok sa aking isipan ang mga sinabi ni Mama. Kahit sabihin pa nating mahal niya ako at tanggap niya ako. Hindi magiging madali ang lahat dahil sa sitwasyon ko.
Bahagyang kumilos na ito at binuksan ang kanyang singkit na mga mata.
"Agatha, gising ka na pala?" Nakangiti nitong agad na tanong sa akin.
Hindi ko maipakiwari sa aking sarili kung bakit pumasok sa aking isipan na 'kung ganito kaya kami sa umaga parati? Tatambad ang kanyang maganda ngiti na tila walang problema kaming haharapin.' Napailing nalang ako sa mapusok na isipan na iyon at ngumiti sa kanya.
"Tara, kumain ka muna ng umagahan sa bahay." Hindi na ito tumanggi sa akin at dumiretso na kami sa bahay.
Sakto naman na gising na si Sync na abala sa kanyang coloring books at si Mama naman ay pagluluto ng almusal.
"Ma." Humalik ako rito.
"Oh, kasama mo pala si Railey."
"Opo." Sagot ko naman. Dumiretso agad ako kay Sync na di parin kami napapansin sa pagdating namin.
"Magandang umaga po, Tita."
"Magandang umaga rin. Sumama ka na sa amin kumain." Aya ni Mama.
"Salamat po." Walang pagtanggi nitong saad.
"Mommy!" Mabilis akong niyakap ni Sync.
"Naging good boy ba ang anak ko?" Tumango pa ito.
"Look Mom." Pagmamalaki nitong pinakita ang medyo burado ng star sa kanyang kamay.
"Wow! Ang galing naman! This is my gift for you!" Hinalikan ko naman ito ng sunod sunod na halakhak mula sa kanya ang naririnig ko.
Nang tumigil na ako sa paghalik dito ay napansin niya naman si Railey na ngayon ay nakatingin sa aming dalawa.
BINABASA MO ANG
How to be yours? (COMPLETED)
RomancePaano nga ba makukuha ang lalaking matagal mo nang minamahal? Si Agatha, binigay ang kanyang sarili sa pamamagitan ng one night stand sa isang lalaking alam niyang di siya magugustuhan kahit kailan na akala niya magiging sagot para mapansin siya ni...