Five months later....
Kinabukasan ng pinauwi na ako ng doctor sa ospital ay hindi na ako umuwi kay Michelle dahil ayaw ko ng guluhin pa siya ni Zeus kahit na huminto na ito pagkatapos ng gabing yun sa pagpunta sa kanila ay ginawa ko nalang ang lahat para makaiwas na.
Within the city parin kami nakatira dahil kailangan ko parin magstay dun para sa pagpapacheck up ko.
Parati parin dumadalaw sa akin si Railey at humingi na siya ng tawad sa ginawa niya sa ospital. Unti unti na rin niyang nalaman ang tunay na sitwasyon kaya mas pinili niya na rin na tumahimik dahil ginalang niya na rin ang desisyon ko.
Parati rin siyang kasama sa tuwing check up ko at kahit na ang mga cravings ko siya rin ang nagbibigay. Kaya sobrang laki ng utang na loob ko sa kanya.
"Pwede na ba dyan?" Inaantay niya ang sagot ko sa dinala niyang french fries at sundae.
"Oo naman. Thank you!" Nakangiti kong pasasalamat sa kanya.
Ginawa ko namang dip yung sundae sa french fries na kinagulat niya. "Masarap ba yan?" Naweweirduhan niyang tanong at tumango naman agad ako pero hindi ko siya magawang ayain dahil ayaw kong magbigay. Siguro dahil na rin sa pagbubuntis ko.
"Agatha?" Tumingin naman ako sa kanya sa pagtawag niya sa akin.
"Bakit?"
"Alam kong hindi ka papayag pero let's get married?" Halos mabulunan naman ako sa tanong niya.
Binigyan niya ako ng isang basong tubig. Nang makainom ako ay agad kong tinanong sa kanya. "Seryoso ka dyan?" Natatawa kong tanong sa kanya.
"I'm serious!" Biglang bumalik sa alaala ko si Zeus dahil parehas na parehas sila ng kapatid niya.
Bigla akong sumeryoso dahil alam kong seryoso nga siya. "Anong dahilan? Dahil naaawa ka ba sa akin at sa mga pamangkin mo?" Pagiging prangka ko sa kanya dahil alam ko naman na ang dahilan ng pagpunta niya dito parati sa bahay ay sa tingin niya ay responsibility niya kami dahil hindi nagawa ng kapatid niya ang dapat gawin.
"Part of it but the biggest part of it is I'm still inlove with you and I want to protect you from my family." Hindi ako makapaniwala sa naririnig ko sa kanya dahil sa totoo lang ay dapat hindi ko naririnig yun sa kanya.
"Railey, listen to me, okay? Buntis ako at ang ama ng dinadala ko ay ang kapatid mo. Higit sa lahat ay ilang taon na lang ang nalalabi ko dito sa mundo at hindi ko nga alam kung may isang taon pa ako. Tapos gusto mo akong pakasalanan? Nababaliw ka na ba?" Hindi parin ako makapaniwala sa kanya.
"Yeah, higit kanino ay alam ko yun kaya nga papakasalan kita." Napatayo ako at hindi ako makapaniwala.
Hinawakan ko ang tiyan ko na may umbok na dahil feeling ko naisstress na naman ako sa naririnig ko sa kanya.
"Alam kong hindi ka papayag pero sayo na nga nagmula na hindi mo na alam kung ilang taon ka dito sa mundong ito Agatha. Kaya gusto ko sanang pakasalanan ka dahil I want those bad memories of yours will turn into a good memories of us." Alam kong isa siya sa magiging sagot sa mga masamang nangyayari sa akin ngayon.
"Railey, kahit pa anong sabihin mo hindi ako papayag! Alam kong minahal mo ako pero ayaw kong gawin kang panakip butas." Tumayo siya sa pagkakaupo at hinawakan ang kamay ko.
Inilapat niya ito sa kanyang kaliwang dibdib at saglit na tumahimik. Ramdam ko ang tibok nun at ang lakas lakas nito.
"Kung sa tingin mong magiging panakip butas ako, okay ayun na yung tawag dun pero pwede bang kahit di ako ang ama ng batang nasa sinapupunan mo ngayon ay bigyan mo naman siya ng chance para magkaama sa pamamagitan ko." Tama siya kailangan ng ama ng baby ko ngayon pero hindi ko kayang isugal ang hinaharap niya at sirain yun dahil sa akin at sa batang dinadala ko.
BINABASA MO ANG
How to be yours? (COMPLETED)
Storie d'amorePaano nga ba makukuha ang lalaking matagal mo nang minamahal? Si Agatha, binigay ang kanyang sarili sa pamamagitan ng one night stand sa isang lalaking alam niyang di siya magugustuhan kahit kailan na akala niya magiging sagot para mapansin siya ni...