Twenty Three: Pagbabalik

427 10 0
                                    

"Nakakamiss din ang lugar na to no?" Tumango ako bilang pagsang-ayon kay Michelle.

Nasa loob kami ng cottage nila Sync habang sila Mama, Zeus at John Paul naman ay nasa ihawan na busy sa pag-aayos ng makakain at pulutan ng dalawa.

"Ang bilis ng panahon." Tugon ko.

"Oo nga pala pano kayo nakapunta dito?" Curious kong tanong.

"Kunwari ka pang hindi mo alam? Sino pa bang mangungumbinsi na pumunta kami dito?" Natatawa nitong sabi sa akin.

"Sira ka talaga, kaya nga ako nagtatanong." Napalingon ako sa kina Zeus na busy na nakikipag-usap kay John Paul.

"Kayo kamusta na bang dalawa?" Tanong nito sa akin.

"We are good." Simple kong sagot.

"Hindi ka pa ba nagpapakain?" Hinampas ko naman siya sa sinabi dahil puro kalokohan naman ang naririnig ko sa kanya.

"Baliw ka talaga, may bata." Pagtukoy ko kay Sync na busy sa pagkain ng pakwan.

"So ano nga? Imposible di pa yan nagsasabi sayo kung anong nararamdaman niya sayo?" Hindi ako makatingin sa mga mata niya at bigla kong iniba ang usapan.

"Ang ganda ng dagat, halika maligo na tayo." Pag-aya ko sa kanya.

Tumayo na kami ni Sync at tumakbo papunta sa dagat.

Hinabol kami ni Michelle at nagsisigaw. "Hoy, hindi mo pa ako sinagot sa tanong ko?"

Nakipaglaro kami ni Sync kay Michelle at sumama na rin si Mama sa amin dahil yung dalawang lalaki nalang daw ang bahala sa pag-asikaso ng pagkain. Hanggang sa napagod kami at umupo muna sa batuhan kung saan may lilim.

"So, ano ngang score ni Zeus sayo?" Tinalasan ko siya ng mata dahil naririnig ni Mama ang pangbubuyo niya sa akin.

"Tita, ikaw ba? Ano sa tingin mo?" Kunwari ay wala akong pakialam pero nag-aantay naman ako sa sagot ni Mama.

"Kasi kung ako ang tatanungin Tita sa tingin ko totoo si Zeus sa pinapakita niya." Pag-uumpisa ni Michelle para sumagot din si Mama.

"Basta ang mapapayo ko lang kung saan sila masaya at ang bata, okay na ako dun dahil matatanda na sila at alam na nila ang tama at mali." Alam kong sincere si Mama sa payo niya ngayon.

Sasagot na sana ako nang dumating na si Zeus at nag-aya ng kumain may dala pa siyang tuwalya para sa amin.

Kinuha niya sa amin si Sync. "Tingnan mo ang dalawa, masaya sila sa isa't isa. Kailan mo ba balak sabihin kay Sync ang totoo?" Pangbubuyo na naman ni Michelle sa akin.

"Hays ewan ko sayo Michelle!" Nasa cottage na kami at nandun nag-aantay si John Paul sa amin.

"John Paul, magpaturo ka naman kay Zeus kung pano maging sweet." Pang-aasar naman ni Michelle sa asawa niya.

Nagkatinginan ang dalawang lalaki at nagkatawanan. "Alam mo naman na sweet lang ako kapag tayong dalawa diba?" Pagsagot ni John Paul sa pang-aasar sa asawa.

"Eyyy, sweet naman pala pagkayong dalawa lang. Aalis na ba kami?" Pagbawi ko sa kanya na nagpamula sa mukha ni Michelle.

Kumain na kami at walang tigil ang tawanan namin dahil sa pangbubuyo namin kay Michelle at John Paul.

Pagkatapos kumain kami na ni Michelle ang nag-asikaso sa mga kalat, sila Mama at Sync naman ay nasa dagat at si Zeus at John Paul naman ay nag-umpisa na sa pag-inom.

Alas otso na ng gabi nang mapagdesisyunan na ni Mama na iakyat na niya si Sync kaya dun lang din kami nakapag-umpisa ni Michelle sa pag-inom pero tag-isang bote lang kami ng alcohol. Hindi na ganun kabilis namin naubos dahil hindi naman kami sanay sa pag-inom.

How to be yours? (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon