One: Marriage

904 25 0
                                    

4 years later

"Ipaalam mo na sa kanya, kapag tumanda yan si Sync hahanapin niya na ang tatay niya at lalo kang mahihirapan." Pinagmasdan ko ang aking anak na halatang wala pang kamuwang muwang pa sa mundo.

"Hindi, ayaw kong masira ang buhay niya dahil sa akin." Hinampas naman ako ni Michelle sa aking braso na may kalakasan.

"Baliw! Ako na ang nagsasabi sayo, hindi masisira ang buhay ng anak mo. Kaya tumigil ka na diyan sa mga iniisip mo. Malapit na magkaisip si Sync. Anong ipapaliwanag mo diyan kapag hinanap niya ang tatay niya? Na bigla nalang lumaki ang tiyan mo at nabuntis ka nalang nang ganun ganun nalang." Desidido na ako na hindi niya pwedeng malaman ang tungkol kay Sync. Isa rin sa mga kinakatakot ko ang mga posibilidad na baka hindi ko kayanin. Ang hindi niya kami matanggap at baka mas lalong masasaktan si Sync at maging ako.

"Hindi ganun yun kadali Michelle. Hindi pwede dahil may girlfriend na siya." Napatayo si Michelle sa sagot ko at napalagay pa ang kanyang kanang kamay sa kanyang noo.

"Diyos ko! Girlfriend palang naman at bakit ka kasi nagpabuntis kung di mo rin naman pala ipapaalam sa tatay yan?" Namomoblema nitong saad.

Anong alam ko na mabubuntis pala ako nang ganun ganun na lang.

2011

"Matagal na kitang gusto Zeus Uy." Hindi ko alam kung saan ko nakukuha ang lakas ng loob ko ngayon at lumabas na rin ang mga salitang matagal ko ng gustong sabihin sa kanya.

Nasa condo niya kami dahil sa mas lasing pa siya sa akin ay hinatid ko muna siya. Pero bago ako makaalis ay gusto kong ipagtapat sa kanya ang lahat ng nararamdaman ko na matagal ko nang tinatago. Gusto kong sabihin ito sa kanya kahit na, di niya pa matandaan.

Kahit na anong maging reaksyon niya ay tatanggapin ko dahil ito na ang last na tsansa ko para sabihin sa kanya ang lahat ng to.

"Phoebe?" Mabilis na bumakas sa aking mukha ang sakit na marinig ko ang ibang pangalan.

"Mahal na mahal kita Phoebe." Bago pa tumulo ang luha ko ay mabilis niyang naidampi ang labi niya sa labi ko.

Siguro nga ay hindi ako ang nasa isip niya habang ginagawa to pero ako parin ang kasama niya. Hindi ko alam kung pano sumagot sa mga halik na yun. Halik na hindi ko pa naranasan sa buong buhay ko.

Ilang minuto lang ay natutunan ko rin na sumabay sa paghalik niya. Hindi ko nalalaman na unti unti na pala kaming napupunta sa ikakapahamak naming dalawa. Unti unti niya akong nadala sa kwarto niya. Maging ang mga suot kong samplot ay naglaho na sa aking balat.

Wala na akong pakialam kung anong mawawala sa akin basta maibigay ko ang gusto niya dahil mahal ko siya.

Hanggang sa matapos ang mga nangyari ang tanging narinig ko na lamang sa boses niya.

"I love you so much." Hanggang sa parehas kaming nakatulog.

Narinig ko ang ingay ng doorbell at bigat ng nakaragan sa aking tiyan kaya naimulat ko ang aking mata upang tingnan kung anong nangyayari.

"WAAH!" Napasigaw ako nang makita ko na nasa tabi niya ako hanggang sa unti unti kong matandaan ang lahat.

Gaya ko ay nagising na rin siya. Bakas sa mukha niya ang pagkagulat.

"Agatha? Bakit...." Halata sa boses niya ang pagsisisi at pagkabigla. At halatang hindi ako ang nasa isip niya habang ginagawa namin ang mga bagay na yun.

"Sorry." Yun nalang ang nasabi ko.

Muling umalingawngaw na ang tunog ng doorbell mula sa kwarto kung saan parehas kaming walang saplot.

How to be yours? (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon