"Anak, meron daw aattendnan si Sync na fieldtrip sa school." Bungad ni Mama habang inaayos ang baon ni Sync.
"Kailan naman po yun?" Magalang kong tanong dito.
"Sa darating na Linggo." Napakunot ang aking noo nang marinig na sa Linggo na agad ang fieldtrip na yun.
"Kailangan niya ba talaga umaattend, Ma?"
"Opo, teacher Beth told us that it may affect our grades if we don't attend, Mom." Nakikinig pala siya sa usapan.
"Paattendin mo na si Sync. Tutal unang beses niyang makakaranas yan. Meron din naman tayong pagkukunan ng pambayad yan." Napalingon ako sa sinabi ni Mama.
Tinaas niya ang isang puting sobre na kitang kita ko ang kapal ng laman.
"Saan mo yan nakuha, Ma?" Lumapit agad ako sa kanya dahil nag-aalala ako baka nangutang siya para lang sa fieldtrip ni Sync.
"Kanino pa ba?" Lalong kumunot ang noo ko sa tanong niya.
"Edi kay Zeus. Dumaan siya kanina dito para ibigay to. Dahil tulog ka pa kaya ako nalang ang tumanggap." Kinuha ko yun sa kanya at binilang ang laman.
"50 thousands?" Naguguluhan akong napatingin kay Mama.
"Bakit ganito naman kalaki?"
"Ayaw mo pa ba, ayan na nga ang grasya." Sagot nito sa akin.
"Ma, hindi ganito ang usapan namin. Si Sync lang ang kailangan niyang sustentuhan, hindi tayo."
"Yan na naman ang pride mo. Naku, Agatha! Gusto lang bumawi ng tao sa tagal niyang di nakapiling ang anak niya. Kaya hayaan mo siya kung anong gusto niyang gawin." Hindi na ako nagsalita pa dahil ayaw ko ng humaba pa ang sermunan na magaganap.
"Oo nga pala, bukod diyan may binigay din siya na isa pang envelope. Hindi ko alam kung anong laman pero sulat ata." Kinuha ko agad at binasa kung para saan yun.
"Notice to return to work." Hindi ko na binasa pa ang lahat dahil alam ko na ang gusto niya.
"Pinababalik ka na sa trabaho?" Tumango ako.
"Buti naman kung ganun."
Inasikaso ko na si Sync at hinatid siya sa eskwelahan. Medyo nahihilo na ako pagdating ko sa shop ni Michelle dahil siguro sa pagod. Hindi na naging maganda ang pakiramdam ko mula nung mga nakaraang araw pero wala akong oras para magkonsulta sa doktor kaya paulit ulit lang akong umiinom ng gamot.
"Oh, andito ka na! Uy, okay ka lang?" Nag-aalala nitong tanong sa akin. Umupo muna ako at sandaling nagpahinga.
"Uminom ka muna ng tubig." Binigyan niya ako ng tubig at bumalik sa pagpupunas ng counter.
"Magpacheck up ka na kaya bes, nangangayayat ka na. Umalis ka lang sa trabaho mo naging ganyan ka na." Natatawang biro nito.
"Wala lang stress lang to. Magiging okay din ako kapag nakainom ako ng gamot."
"Ewan ko sayo, ang tigas talaga ng ulo mo. Gusto mo tawagan ko pa si Papa Zeus para lang samahan ka sa ospital?" Tinitigan ko siya ng masama at agad naman na binawi ang sinabi niya.
"Babalik na pala ako sa trabaho next week." Pag-iiba ko ng usapan.
"Mabuti yan para di na kita ulit makita dito. Hahaha!" Pagbibiro ulit nito.
"Sa tingin mo tanggapin ko ulit ang trabaho dun?" Naging seryoso ang mukha nito.
"Syempre, gaga ka ba? Ano gusto mo nalang buhayin si Sync sa pagbabantay ng shop ko? Maliit lang ang nakukuha mong income dito kesa sa kompanya nung lalaking yun." Napangiti naman ako sa sinabi niya. Tama naman siya.
BINABASA MO ANG
How to be yours? (COMPLETED)
RomansaPaano nga ba makukuha ang lalaking matagal mo nang minamahal? Si Agatha, binigay ang kanyang sarili sa pamamagitan ng one night stand sa isang lalaking alam niyang di siya magugustuhan kahit kailan na akala niya magiging sagot para mapansin siya ni...