"Good morning!" Bati ni Railey sa akin, hindi ko alam kung uupo nga ba ako sa inuupuan nilang dalawang magkapatid o ano pa.
"Good morning." Ngumiti naman ako bilang ganti.
"Dito ka nalang umupo." Itinuro niya pa ang nasa harap niyang upuan.
"Sige." Inorder ko na ang aalmusalin ko.
"Do you have free time today?" Tanong ni Railey sa akin.
"Huh? Ah, oo." I look to Zeus who is busy eating his breakfast.
"Can you tour me around on this island?"
"Oo naman, bakit hindi?"
"That's great."
Natapos na nga kaming kumain nang mag-aya ng umalis agad kami ni Railey.
"Hindi ka ba sasama?" Tanong ko kay Zeus. Hindi ko siya talagang gustong kasama pero mas okay sana kung kasama namin siya dahil hindi ko alam kung anong isasagot ko kay Railey kapag tinanong niya ulit ang tanong niya sa akin kagabi.
"Don't worry about him, susunduin niya pa ang fiancé niya mamaya." Ani ni Railey.
"Ah ganun ba. Sige." Umalis na kami ni Railey at sumakay na sa sasakyan niya.
Sa kalagitnaan ng pagbabiyahe ay hindi maalis sa isip ko kung anong gagawin ng fiancé ni Zeus dito. Pumayag na ba siyang ganapin na ang kasal sa resort?
"Railey?"
"Hmm?" Lumingon ito sa akin at bago bumalik ang tingin sa kalsada.
"Pumayag na ba ang fiancé ni Zeus na sa resort na magpakasal?"
"Hindi ko pa alam. Pero ang alam kong dahilan ng pagpunta dito ni Phoebe ay dahil tinawagan siya ni Zeus, hindi ko alam ang buong detalye." Sabi nito.
"Okay lang bang magtanong ng ibang nalalaman mo sa kanya? Gusto ko sanang maging prepare ako kung matutuloy man, kung sa resort sila ikasal." Pagpapalusot ko.
"Wala akong masyadong alam sa kanya pero alam kong mahal na mahal niya si Zeus." Simple niyang sagot, muli niyang tinuon ang kanyang sarili sa pagdadrive.
Natunton na namin ang Light House. Nasa baba lang kami nito dahil sa ayaw kong umakyat dahil sa usap usapan na merong mga espiritu na pagala gala rito at hindi ko gustong pumunta sa matataas na lugar. Kaya pumayag siyang magstay kami sa baba nito.
"Wow! It so beautiful." Ani nito. Nakatanaw siya sa itaas at tiningnan ang magandang estraktura.
Ngumiti lamang ako at humarap siya sa akin at muling nagsalita.
"I'm so curious." Kinabahan ako dahil inisip ko agad yung tanong niya kagabi. Siguro ay nahalata naman agad niya na ayaw kong pag-usapan ang tinanong niya sa akin kahapon.
"Don't worry, I will not ask you about yesterday." Nakangiti nitong saad na nagpagaan ng dibdib ko.
"Thank you."
"What happened to you? Why did you decide to live here, before I left I knew you were in Manila?" Umiwas ako sa mga mata niya at pinagmasdan ang magandang lugar na nasa harapan namin.
"Personal matter." Nagets naman niya na hindi ko gustong pag-usapan ang tungkol doon.
"I'm sorry for asking."
"Don't mind it." Muli kong pinagmasdan ang ganda ng lugar.
Ang mga puno at lawak ng lugar na ito ang nagpapasariwa sa aking sarili. Umupo ako sa mga damo na mas nagpaparamdam sa akin na maliit nga ang mundo para sa akin, kay Zeus at kay Railey. Gaya ko ay umupo rin siya.
BINABASA MO ANG
How to be yours? (COMPLETED)
RomancePaano nga ba makukuha ang lalaking matagal mo nang minamahal? Si Agatha, binigay ang kanyang sarili sa pamamagitan ng one night stand sa isang lalaking alam niyang di siya magugustuhan kahit kailan na akala niya magiging sagot para mapansin siya ni...